Raymart tackles football


PAGKATAPOS ng tagumpay ng Bantatay, tumatak  sa puso ng mga kabataan  ang pagiging  mahiligin  ni Raymart Santiago  sa hayop. Ngayon naman,   what follows is  a new role that centers  on  young boys  who will be  playing  one of the favorite sports in the country now (thanks to Philippine Azkals), football.

The new series from GMA7 called Futbolilits is a family drama  about young kids  na  natalo sa larong football. Dito mag-uumpisang mabuo ang ragtag bunch  that will turn to be football champs. Gagampanan ni Raymart  ang role ni  Frankie, isang mahusay  na football player  na dumaan sa  malaking pagsubok sa buhay  nang pumanaw ang kanyang asawa’t anak.

Dahil dito, napabayaan niya ang sarili  at kapakanan.  Nang makilala niya ang mga batang footballers, nagbigay ito ng panibagong sigla at pag-asa sa kanya. Tatlong  magagaling na kabataan  ang ipakikilala sa bagong TV series na ito: Yogo Singh bilang Kikoy, Renz Valerio as Sherwin  at Isabel Frial bilang Tetay.

Kasama rin sina  Paolo Contis, Jennylyn Mercado,  Angelika de la Cruz, Nova Villa, Daniel Matsunaga,  at marami pang iba.  Ito ay sa direksiyon ni Mike Tuviera. Ngayon Lunes na magsisimula   ang Futbolilits after 24 Oras sa GMA7.

DUGONG SHOWBIZ

ANOTHER showbiz offspring is soon to rise.

CJ Caparas, the eldest son of producer-diretor Carlo and Donna Caparas, is giving himself a good try via TV5 giant teleserye, the last so far of Carlo’s  classic Pilipino Komiks novel, “Matatalim Na Pangil Sa Gubat” given a new title “Bangis” that commences this Monday, July 4 after “Wil Time Big Time.”

CJ had some exposures on TV before pero maliliit lang ang mga ‘yon na parang  trial and error niya.  Palibhasa  priority ni  CJ ang  education kung kaya’t  ito muna ang inasikaso  niya  at bale  ito rin ang gustong mangyari ng kanyang parents.  Mabait na bata si CJ at bilang panganay na supling ng mga Caparas  alam ni-yang ang kanyang decision to join showbiz ay magbibigay din   ng  kaligayahan  sa puso ng kanyang ama’t ina na parehong mga alagad ng sining.

Acting is in the blood kaya’t  mahirap itong pigilin.  Sa ‘Bangis,’ significant ang role  niya kung saan kasama niya sina  Oyo Boy Sotto, Danita Paner, Felix Roco, Rodjun Cruz, Yul Servo, Miriam Quiambao, Tessie Tomas and Bayani Agbayani, among others, directed by Topel Lee and Robert Quebral.

LAUGHING TRIP ON FRIDAY NIGHT

SA Bubble Gang ngayong gabi, hahalakhak na naman kayo sa spoof sa Lucky Me commercial ni Sharon Cuneta.  Samantala,  habang papunta sa iskul si Bureche ay  na-harass siya ng pangit na bully student na si Diego.  Merong sketch  about a guy  na bumibili ng best brand of condom dahil may first date siya sa kanyang girlfriend.  Ang pharmacist pala ay ama ng kanyang girlfriend.

Isang grupo naman ng mountain climbers ang pagkaraan ng dalawang araw na pag-akyat sa bundok  ay naalalang wala pala silang dalang abre lata.  Di tuloy sila makakain dahil walang pangbukas ng de lata nilang dala.  Suggestion ng kasama niya ay bumalik sa kanyang pinanggalingan.  A happy twist happens.  Meanwhile, diniborsyo ni James Wang  ang kanyang asawa dahil ito raw  ang bad luck niya sa buhay. Keep laughing every Friday night with your favorite  hosts,  Michael V, Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto , Boy 2Quizon  and the rest of the Bubble Gang on GMA7.

BLOOPERS SA ABS-CBN NATIONAL ANTHEM

NAPANOOD namin ang bagong national anthem music video from ABS CBN, na tinatampukan ng mga Kapamilya talents at ginawa sa iba’t ibang tourist spots in the country.

It's solemn and all. ‘Yun nga lang, kapansin-pansin ang mga blooper—sa isang eksena, nakatalikod ang mga artistang umaawit sa Philippine flag, na isang no-no para sa amin. At ‘di rin  namin napansin ang Negros islands sa Philippine map na ipinakita.

‘Wag na lang sanang mapansin ng National Historical Institute ang mga blooper na ito. Mas kapuna-puna rin na ang national anthem music video na ito ng ABS-CBN ay anti-climactic.

Sayang naman kung totoong P12 million ang nagastos dito. Mahirap ikumpara sa award-winning na national anthem music video ng GMA7.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC