Nang huli naming makausap si Karylle last week sa presscon ng Philips endorsement niya, sinabi niyang itatanong pa lang niya sa kanyang inang si Zsa Zsa Padilla ang tungkol sa wedding plans nito.
“Tatanungin ko pa lang siya sa Friday (May 27) sa kanyang birthday salubong,” sey ni Karylle noon.
Kaya naman nang makita namin siya ulit last Monday sa presscon naman ng kanyang Fruitas endorsement, tinanong namin siya kung natanong na ba niya ang kanyang mom.
“Hindi nga, eh,” sey niya. “Siyempre, b-day niya, ayoko naman siyang guluhin. Nakiusyuso na lang ako sa mga gifts sa kanya,” sabi ng aktres/singer
Inabangan nga raw niya kung ang ireregalo ng Tito Dolphy sa mommy niya ay singsing. But nope, dahil mamahaling shoes daw ang bigay ni Comedy King sa kanyang ina.
“Mga Jimmy Choo na sapatos. Tatlong pairs nga, eh. Sabi ko, wow, ang mahal!” sey ni Karylle.
Pero kung sakali, may dream wedding ba siya for her mom?
“Well, when she planned out in Vegas, I guess, the most important thing for her would be to have her family complete. Kasi, si mama na lang ang naiwan dito sa Manila. Lahat sila, nasa Las Vegas. Kaya nga lagi naming jino-joke, probinsiya namin ang Las Vegas.
“But I think, more than anything, the dream wedding would be a complete family, I mean ’yung talagang complete attendance.”
Pero kung siya ang magiging wedding coordinator, paano niya ito ipaplano?
“I think, she enjoys the beach pretty much, so I think, that would be fun. Kung Palawan, ganyan. I mean, kung dream wedding lang naman ang pinag-uusapan, siguro something like that,” she said.
Pero wish ni Karylle na sana ay huwag daw muna ngayon pakasal ang mommy niya dahil wala siya. Nang kausap kasi namin siya that Monday, paalis na siya the following day (Tuesday) para sa The Kitchen Musical na gagawin niya sa Singapore.
Four months mananatili si K sa SG at sa September pa ang balik niya sa ’Pinas.
“Kung gusto nila ikasal before September, sa Singapore na lang, please, para maka-attend naman ako,” natatawang sabi ni Karylle.
Samantala, sunud-sunod ang endorsement ni K ngayon. Ang latest nga ay itong Fruitas bottled juice na aniya ay swak na swak sa kanya dahil mahilig daw siya talaga sa fruits.
Among the Fruitas products, favorite niya ang strawberry smoothie dahil it reminds her of the unforgettable summers and Christmases that she spend with her family.
Gusto rin daw niya ang bagong product nito na “ice candy” dahil naaalala naman daw niya ang kanyang childhood days kung saan ay gumagawa nito ang lola niya sa Laguna noong bata pa siya.
* * *
Natutuwa naman si Empress Schuck na ngayon pa lang ay maganda ang feedback na natatangap niya sa loveteam nila ni Ejay Falcon sa Guns & Roses.
“’Yung iba po, sinasabi nila na nakakakilig daw po kami ni Ejay. Nakakatuwa naman po na ngaon pa lang, inaabangan na po nila kami,” she said.
Pero ipinauuna na ng dalaga na hanggang loveteam lang daw sila dahil hindi pa siya allowed na makipag-boyfriend. She just turned 18 at nang tanungin nga namin kung kaylan siya papayagan na makipagrelasyon, natatawa niyang sagot, sabihin daw namin sa mommy niya.
Hindi pa rin allowed si Empress na makipag-kissing scene kaya wholesome lang daw talaga ang makikita sa kanila ni Ejay sa Guns & Roses.
Sa June 6 na magsisimula ang nasabing serye which stars Bea Alonzo and Robin Padilla together for the first time.