Mag-dyowa kulong habambuhay dahil sa 22 gramo ng shabu!


HABAMBUHAY na pagkakabilanggo ang inihatol ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) laban sa isang mag-live-in partner matapos silang mapatunayang nagkasala sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot  limang taon na ang nakararan sa lungsod ng Parañaque.

Kasunod nito ay inatasan ni Parañaque RTC Judge Danilo Suarez ng Branch 259 sina Raine Husain at kinakasamang si Elena Cainoy na magbayad ng multang P.5 milyon matapos mapatunayang lumabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa rekord ng korte, nadakip ang dalawa sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro noong Mayo 15, 2006 matapos magbenta ng 22.94 na gramo ng shabu sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Target ng pulisya sa buy-bust operation ang isang alyas Lita na siyang nag-utos umano sa dalawa na sila na ang magbenta ng shabu sa inaakala nilang lehitimong buyer. Jojo Sadiwa

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC