Shamcey leads online poll


Umeksena agad ang pambato ng Pilipinas na si Shamcey Supsup sa inaabangang Miss Universe 2011 matapos itong manguna sa independent polls sa Internet.

Todo suporta nga ang mga Pinoy kay Shamcey sa online world dahil sa unang pagkakataon, isang semi-finalist slot ang ibibigay ng Miss Universe organization sa sinumang kandidata na may pinakamaraming boto worldwide.

Kanya-kanya na ngang kampanya ang pageant aficionados para masigurong papasok ang Piliipinas sa semi-finals.

Handang-handa na si Shamcey na maiuwi ang tagumpay para sa Pilipinas.

Sa inilabas na official photos ng Miss Universe, kapansin-pansin ang ganda at palabang hubog ng katawan ni Shamcey suot ang swimsuit at evening gown.

Abangan ang laban ni Shamcey para sa korona ng Miss Universe 2011 na mapapanood live mula Sau Paolo, Brazil, sa ABS-CBN sa September 13, ganap na 9:30 a.m., at may free TV primetime telecast sa parehong araw sa Studio 23, 9:30 p.m.             Mapapanood din ito sa cable via Velvet (SkyCable Channel 53) sa double primetime replay nito ng 7 at 10 p.m.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC