Naaagnas na bangkay bumulaga sa kapitbahay


HALOS naghihiwalay at pinamumugaran na ng mga bangaw ang naaagnas na katawan ng isang babae na natagpuan ng kanyang kapitbahay sa lungsod ng Parañaque kamakalawa.

Si Ann Margarette Loyola, 47, ay unang inakala ng mga otoridad na isang banyaga dahil sa blonde ang buhok at may pagka-mestiza ang pigura ng kanyang mukha sa kabila ng unti-unti ng paghulas ng buong katawan.

Ayon kay SPO4 Edwin Bagatsinan, imbestigador ng Parañaque police, bagama’t wala pang nakikitang palatandaan ang pulisya na pinaslang si Loyola ay hindi nila isinasaisantabi ang posibleng ‘foul play’ dito.

Bukod kasi sa nagkalat ang mga damit at ilang personal na gamit ng biktima sa salas kung saan siya natagpuan na nakaupo sa sala set ay hawak pa nito ang cellphone at bukas ang bentilador nang madiskubre alas-8 ng gabi.

Si Loyola ay wala umanong kasama sa tinitirhang bahay nito sa 12-B 1st St., Reyes Compound, Fourth Estate Subd., Bgy. San Antonio, kung saan huli itong nakitang buhay may tatlong araw na ang nakararaan.

Ikinuwento ni Fred Arciaga, kapitbahay ng biktima, na kamakalawa pa ng umaga umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa bahay ng biktima kaya ipinabatid na nila ito sa barangay.  


Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC