Superstar now a certified 'Kapatid'


Kahapon ng tanghali, nagkaroon ng contract signing si Nora Aunor sa TV5.

Ilan sa mga kasama ng Superstar ay si German Moreno, na siyang nakipag-negotiate sa Kapatid Network para kay La Aunor, Suzette Ranillo at ang publicist na si Pilar Mateo.

Siyempre pa, present sa contract signing ang big boss ng TV5 na si Manny Pangilinan at ang network executives na sina Bobby Barreiro, Ray Espinosa at Perci Intalan.

Natanong namin si katotong Pilarsky kung nagkita na si Guy at ang kanyang mga anak at say niya, hindi pa dahil nga pagkatapos ng mahabang araw last Tuesday, the Supertar’s arrival, nang madikit daw sa kama ang aktres, nakatulog agad dala na rin marahil sa matinding pagod.

Kahapon naman, maaga silang gumising para nga sa contract signing ng tanghali.

Pasasaan ba’t magkikita rin daw ang mag-iina at marami pang oras para magkasama-sama sila’t makapag-bonding.

As we all know, gagawa si Guy ng isang mini-series sa TV5.

Sa pelikula naman, gagawin niya ang El Presidente with Laguna Governor ER Ejercito.

* * *

Aminado si Eugene Domingo na maganda ang impact ng paghingi ng tawad ng kontrobersyal na indie filmmaker na si Rafa Santos.

Matatandaang nagalit ang buong theater community sa nasabing baguhang direktor nang magsalita ito ng mga linyang para sa maraming taga-teatro ay napaka-offensive.

Siyempre, bilang dati ring theater actress si Uge, isa siya sa mga nagalit kay Rafa.

Pero nang mag-issue ng public apology ang direktor ay naibsan din naman agad ang galit niya.

Napatawad daw niya nang bonggang-bongga si Rafa nang personal na mag-sorry sa kanya.

“Kahit naman tao sa tao lang, ’pag humingi sa ’yo ng tawad sa personal, humingi kasi siya sa akin ng tawad sa personal.

“Sabi niya, ‘I apologize if I offended you. So, isa ’yun sa magagandang impact na nakuha ko sa buong Cinemalaya experience’,” sabi ni Uge.

Idinepensa pa niya si Rafa by saying na hindi raw nakapatay ang direktor kaya huwag namang ipako sa krus.

“Wala siyang pinatay, nagkamali lang siya,” say niya.

Nang tanggapin ni Uge ang best actress award niya for Ang Babae sa Septic Tank sa Cinemalaya, doon inanunsyo ni Uge na pinatatawad na nila si Rafa.

Matapos ito, nakita raw nilang parang nabununtan ng tinik ang direktor at gumaan ang pakiramdam.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC