TV5 won't hinder Nora's star from shining


Maganda ang ginawa ng TV5 na i-open sa lahat ng network ang presscon nila para kay Nora Aunor para mas marami ang makapag-report sa pagbabalik ng Superstar sa bansa.

Sana gayahin ang TV5 ng ibang network para kundi man maalis, mabawasan man lang kahit konti ang init ng network war.

Pinalakpakan din ang sinabi ni Perci Intalan na, “Exclusive ang contract ni Ate Guy sa TV5, pero hindi namin siya ipagkakait sa iba. She’s a superstar, she’s a big star, kaya ’di namin siya puwedeng angkinin.”

Exempted sa exclusive contract sa TV5 ni Guy ang Walang Tulugan ni German Moreno, puwede siyang mag-guest dito at pinag-uusapan pa kung puwedeng mag-guest si Guy sa talk shows ng ibang network.

Hindi na Dona Negra ang title ng mini-series ni Guy at isa sa pinagpipiliang titles ay Madre de Familia.

Bukod kina Eugene Domingo at Christopher de Leon, kasama sa cast sina Ryan Agoncillo, Edgar Allan Guzman at pati raw si Nadine Samonte.

Ang mini-series ni Guy ang papalit sa The Sisters ni Nadine, kaya walang conflict kung totoong kasama ito sa cast.

Marami rin ang nagbu-volunteer na makasama sa mini-series na mula sa script ni Dinno Erece at direction ni Mario O’Hara.

* * *

Gulat na gulat si Shirley Kuan sa tsikang siya ang bagong manager ni Maricel Soriano.

Paano raw mangyayari ’yun, eh, hindi nga siya kilala ng aktres?

Hindi rin niya alam kung may bagong manager si Maricel dahil walang naikuwento ang manager nitong si Malou Choa-Fagar nang magkita sila sa birthday celebration ng talent manager ding si Ethel Ramos kamakailan.

Wala pa ring kumpirmasyon kung totoong hindi na si Malou ang manager ni Maricel dahil nagkita pa raw ang dalawa sa second death anniversary ng mom ng aktres.

Hindi pa rin nagpapakita si Maricel pagkatapos ng kinasangkutang isyu, nasaan nga kaya ang aktres?

* * *

First presscon ng Tween Academy: Class of 2012 ngayong araw at aalamin namin sa male cast kung totoong sobrang nainggit sila kay Elmo Magalona dahi bukod sa siya ang madalas kaeksena ni Sam Pinto, siya rin ang nakahalik sa dalaga na super crush ni Alden Richards.

“Bitter” pa nga ang ginamit na word ni Louise delos Reyes sa naging reaction ng boys nang mabasa sa script na may kissing scene si Elmo kay Sam.         Pabiro ring inakusahan ng boys si Direk Mark Reyes na may favoritism dahil si Elmo lang ang nakahalik kay Sam.

In fairness, kahit marami ang cast ng Tween Academy, walang tension sa set at kita ang closeness nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas, Joyce Ching, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin.

Sa August 24 na ang opening ng movie at sa Aug. 20 ang premiere night sa SM Megamall.

Masipag mag-mall tour ang mga bagets para i-promote ang pelikula na hindi lang mga bagets ang makaka-relate.

* * *

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Ang Babae sa Septic Tank na magpapatunay kung gaano kaganda ang pelikulang dinirek ni Marlo Rivera.

Kahapon nagsimula ang showing nito at tiyak na sobrang natawa ang mga nanood.

Sa celebrity screening na ginawa sa Gateway Mall last Tuesday, nanood sina Lorna Tolentino, Rap Fernandez, Pokwang, Sam Milby, John Lapus at Marvin Agustin.

Nai-tweet ni LT kung paano siya pinatawa ng movie at kung gaano kagaling na aktres si Eugene Domingo.         Isa sa mga unang nanood sa opening ay si Kris Aquino.

* * *

Mahiyain pa si Pancho Magno, anak ni Redgie Acuna-Magno, na kasama sa cast ng Amaya bilang isa sa mga tauhan ni Atubang (Daniel Fernando).

Hindi ito makapaniwalang ini-interview siya ng press at naikuwentong minsan, kasama niya ang ina sa panonood ng epic serye at natutuwa naman ito sa labas niya.

Tinanong namin si Pancho kung sino ang itsinika ni Mikael Daez na crush niya sa mga kasama sa Amaya, pero ayaw nitong magsalita at wala raw siyang crush.

Anyway, sa Amaya mamaya, palalayain ni Mangubat (Gardo Versoza) si Marikit (Rochelle Pangilinan) kay Bagani (Sid Lucero).

Pupuntahan ni Marikit si Bagani para ipaalam ang totoo sa pagdadalantao, pero ipalalaglag ni Lamitan (Gina Alajar) ang dinadala ng anak.

Lilisanin ni Bagani ang puod, pero sasabihin muna kay Usbong ang lihim ni Amaya.

Bibitiwan ni Hilway (Angie Ferro) ang posisyon bilang punong babaylan para mailigtas si Angaway (Ryan Eigenmann).

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC