Mikael: No indecent proposals


ABA, partner na ni Sarah Geronimo sa bagong TV commercial niya ang foreigner na na-link kay Ai-Ai de las Alas, si Gio Salvador.

Naging constant date ni Ai-Ai si Gio at naging special guest pa niya sa Valentine concert ng komedyana sa Zirkoh Comedy Bar.

Matapos umingay, biglang naglahong parang bula si Gio.

Pero ang alam namin, manager siya ng isang call center sa Ortigas at occasionally, nagmu-model.

Eh, mukhang wala na rin sa scheme of things ni Ai-Ai si Gio mula nang pumasok sa eksena si Aljur Abrenica.

At least, after the Comedy Queen, ang Pop Princess naman ang nakapareha ni Gio, huh!

* * *

WALA raw bading na nagtangkang manligaw at magbigay ng indecent proposal sa baguhang aktor na si Mikael Daez nu'ng nagmumodelo pa siya at nag-aaral sa Ateneo.

"No, not at all! Zero," tugon ni Mikael.

Imposible naman yata 'yon.

"Zero, zero!" paulit-ulit niya.

Pero lapitin ng mga bading ang basketball player at modelong gaya niya, huh!

"Not at all! Zero. Seryoso ako roon," rason ng baguhang aktor.

Lumakas kasi ang appeal niya.

"Like what I've said, in terms of indecent proposal, zero talaga," sagot niya.

Kahit nanligaw, wala? Dry naman ang buhay niya.

"Hindi naman! Sobra ka naman! Ang sama mo naman magsalita! Hahaha! I'm very happy right now." reaksyon ni Mikael.

Hindi naman siya homophobic?

“No! Actually, sa barkada ko... Extended big barkda, may dalawa na...Yeah, bading and they work for a magazine. Kinakausap ko rin naman sila lalo na nu’ng time na may Temptation Island ako," kuwento ni Mikael.

Parang hindi kapani-paniwala, ha?

"Wala talaga. Kung sasabihin kong meron, eh, wala naman talaga... Wala akong maikukuwento talaga!" diin pa ng isa sa leading men ng Amaya.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC