Articles

Live-in partner sa Ramgen slay sumuko


BOLUNTARYONG nagpakustodiya sa pag-iingat ng Parañaque police ang mag-live-in partner na sina Glaiza Vista at Norwin Dela Cruz, ang itinuturong kabilang sa mga suspek sa pagpatay sa actor na si Ramgen “Ram” Revilla.

Ayon kay C/Inspector Fergen Torres ng Parañaque intelligence office, sumuko ang dalawa dahil sa natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay at para na rin malinis ang kanilang pangalan ukol sa krimen.

Itinanggi raw ng dalawa ang kanilang partisipasyon sa kaso na sinasabing naghanap ng gunman para paslangin si Ramgen.

Dahil wala pang warrant of arrest ang dalawa, inilagay muna ang mga ito sa ligtas na lugar habang hinihintay ang pag-usad ng kasong murder at frustrated murder sa piskalya.

Pinag-aaralan din ng pulisya kung puwede silang maging testigo laban sa magkapatid na sina Ramon Joseph at Maria Ramona Bautista, depende kung magiging matibay na ebidensiya ang ihahain nilang testimonya sa piskalya.

Umaasa naman ang Parañaque police na susuko na rin sa lalong madaling panahon ang isa pang nagtatagong suspek na kinilala sa pangalan na alyas Brian.

Samantala, sa unang pagkakataon ay gumamit ng social networking site si Janelle Manahan, ang kasintahan ng napatay na si Ramgen.

Sa kanyang twitter account, nagpasalamat si Janelle sa dami ng mensaheng natatanggap sa kanyang Facebook at Twitter.

Kung maalala si Manahan ay nabaril ng mga taong pumatay sa boyfriend niya.

Sinabi ni Janelle, kumukuha umano siya ng lakas sa mga kaibigan, Panginoon, pamilya at kay Ramgen.

“Overwhelmed by all the messages I’ve been getting on Facebook and Twitter,” ani Janelle sa kanyang Twitter.  “I wish I can answer them all 1 by 1,” she said. “I get my strength from all of you, God, my family, friends, and Ramgen.”

Si Manahan ay sumailalim sa facial surgery noong nakalipas na linggo makaraang magtamo ng facial fracture sa insidenteng nangyari noong October 28, ang gabi kung saan napaslang ang kasintahan nito.

Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC