Related Articles...
| Bahay ng aktres nilooban |
|
|
|
| Monday, 08 March 2010 16:19 |
|
ISANG 19-anyos na lalaki ang dinakip ng mga pulis matapos umanong mahuling nanloob sa bahay ng aktres na si Julia Clarete sa Quezon City kaninang madaling-araw.
Sa report ng Inquirer.net, nahaharap ngayon sa kasong trespassing at attempted robbery ang suspek na si Joey Bustos matapos mahuli ng mga pulis na pumasok sa bahay ni Clarete sa No. 36-G Balete Drive, barangay Marianao kaninang alas-2:30 ng madaling-araw.
Sa kanyang ulat, sinabi ni Galas station commander Superintendent Edgardo Pamittan na nagawang makapasok ni Bustos sa bahay ni Clarete sa pamamagitan ng isang maliit na bintana sa banyo ng bahay na nasa ikatlong palapag.
Nakarinig daw ng ingay mula sa banyo ang kasambahay ni Clarete na si Jovita Suctare at nang tingnan nito ang naturang lugar ay nakita nito si Bustos.
Agad namang sumigaw si Sucatre habang nagtangkang tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagdaan uli sa bintana.
Isa namang nagdaraan ang nakakita sa pagtakas ni Bustos at siyang tumawag sa pulis.
Sa kasalukuyan ay nakakulong na si Bustos sa Galas police station, ani Pamittan. |
Most Popular Articles
- Nadine confirm tension at ‘Endless Love’ set ( 320 views )
- Richard magnitized on Solenn's beauty ( 240 views )
- July 2010 Nursing Exam Results ( 205 views )
- COVER STORY: Ruffa’s New Beginnings ( 177 views )
- I'm not jelous & telltale - Marian ( 150 views )






