JC and Danita's relationship smooth sailing

 

EX-couple Lotlot de Leon and Ramon Christopher were together as proud parents sa graduation ng kanilang panganay na anak na si Janine.

Nagtapos ito last March 25 ng European Studies sa Ateneo de Manila University.  Kasama ring dumalo ang tatlong kapatid ni Janine.  Sa kabila ng pagiging magkahiwalay nina Lotlot at Monching, nanatiling magkaibigan ang dalawa dahil sa kanilang apat na anak.

Ngayong nagtapos na sa kanyang pag-aaral si Janine, binibigyan na siya ng laya ng kanyang mga magulang sa gusto nitong tahakin-- kung papasok ba ito ng showbiz o  maghahanap ng ibang trabaho.  As much as possible, ayaw sana ni Lotlot na pumasok sa showbiz ang kanilang mga anak ni Monching  pero kung nanaisin naman ng mga ito, hindi nila ito mapipigilan. Ang kundisyon, tapusin muna nila ang kanilang pag-aaral.

Siyempre pa, masaya rin sa pagtatapos ni Janine ang kanyang lola, o Mamita na si Pilita Corrales.

REGINE, HIRAP MAGBUNTIS

AYAW pa ring kumpirmahin ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang pagbubuntis ng huli although kalat na kalat na ito lalo na sa Internet.  In all indications, buntis nga si Regine pero tila hirap itong magbuntis kaya pinayuhan siya ng kanyang doctor na mag-cut down ng load sa trabaho.  Maging ang kanilang planned visit sa Australia at Europe ay mukhang hindi na matutuloy.  May request din sana kina Ogie at Regine sa Japan sa  June para sa GMA Pinoy TV event doon pero hindi pinayagan si Regine na magbiyahe.  Siyempre, more than work and pleasure, mas priority ngayon ni Regine ang pagkakaroon nila ni Ogie ng baby.

JC, DANITA OPEN NA OPEN

MUKHANG nagwu-work ang relasyon nina JC de Vera at Danita Paner. May ilang buwan na silang magkarelasyon at open sila sa publiko unlike nung sina JC at Rhian Ramos pa.  Tila aprubado rin ang mommy ni Danita na si Daisy Romualdez sa relasyon ng dalawa dahil kung hindi, tiyak na magiging open din ito sa pag-ayaw sa boyfriend ng dalaga.

Parehong thoughtful at supportive sa isa’t isa sina JC at Danita kaya wala silang problema.

Iisa rin ang kanilang manager, si Annabelle Rama.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC