Amazing kids

 

HINDI kapanipaniwala but now, not only adults display their prowess in cooking. A group of kids will prove to the public  that they don't only play  around the kitchen,  they can prepare and cook wonderful dishes. Isn’t that amazing?

GMA7 brings out these kids' exemplary culinary talent in the show “The Amazing Cooking Kids,” hosted by Carmina Villarroel. It will be a cooking competition show among kids who will be judged by experts in the field of culinary arts. They are chefs Rosebud Benitez (kilala sa kanyang 10- minute kitchen wonders sa Quickfire); Jackie Ang-Po (may ari ng Fleur  De Lys Patisserie at dating host ng True Confections at Delicioso),  and GB Barlao, vice president ng Magsaysay Center for Hospitality and Culinary Arts (MIDCA).

The Amazing 12 cooking kids are Dingdong Lagman ng Quezon City, Tasha Pulgado ng Bulacan, Nica Fortuno ng Batangas, Xymon Caballero ng Caloocan City, Duday Reyes ng Quezon City, Budik Villalobos ng Cavite, Pat Reyes ng Mandaluyong City. Ice Analmani ng Parañaque City, Tara Santos ng Muntinlupa City, Angela  Rosales ng Quezon City, Ronin Leviste ng Makati City, at Pau Sablaya ng Quezon City..

Tiyak na masaya, katakam-takam na mga lutuin  ang maaamoy natin tuwing Sabado ng umaga at 11:15 sa GMA 7 mula sa “Amazing Cooking Kids.”

WANTED: TALENTADONG KIDS

MAY bagong pakulo  na naman sa GMA7, isang kids talent camp search na “I Shine”. Bukas  ang search na ito  sa mga talentadong kabataan, ages 4-7 na may katangian na maging future child star.

2 araw na “I-Shine”  workshops  ay gagawin sa April 9  at 10 sa SM Mall of Asia Music Hall,  April 15 at 16 sa SM Cebu  Trade Hall , April 27  and 28 sa SM Rosales  Event Center at May 2 and 3 sa SM Davao Event Center.

Ang sasali at ang guardians ng sasali ay kailangang magdala ng kopya ng birth certificate ng bata,  valid ID  ng parent guardian, authorization buhat sa magulang  at litrato ng bata at ng kanyang magulang o guardian.

Ang “I-Shine”  ay sa cooperation ng  nangungunang brand ng gatas, ang Promil Pre-School and is held to provide  a holistic approach in discovering  the kids’ talents  sa pagkanta,  sayaw,  at acting sa pamamagitan ng  masasayang activities.

PP TALENTS, MAKIKI-SAWSAW SA COMEDY BAR

“PARTY Pilipinas” talents invade “Comedy Bar”  tonight. Kasama ang female dancers ng “Party Pilipinas” na sina  Yassie Pressman, Mayton Eugenio  at Diva Montelava. Kasama sila sa mga teen star  na maglalaro sa Idikit Mo ang Sa Yo portion, kasama sina Uno ng Tween Hearts at Jay Perillo. Tiyak na kikiligin  kayo sa game na ‘to. Si Fabio Ide naman ay may mga bagong salita na ituturo on location pa sa  Manila Ocean Park. Ano kaya ang mga words na ituturo niya?

Sa trip ng Six Feet Long  band kasama  ang sexy at beautiful na si Baby  Jean. Dalawang  bigating comedian  ang magbibigay kasiyahan, sila Lampoy  at Norman. Pati na audience ay may participation din sa “Comedy Bar,”  hosted by Eugene Domingo and Allan K tonight on GMA7.

MGA BAGONG KAALAMAN TUNGKOL SA PLANET EARTH

MAY mga bagong isasalaysay si Sen.Ramon 'Bong' Revilla, Jr. tungkol sa Planet Earth mountains sa “Kap's Amazing Stories” bukas ng gabi.

Hihimayin niya ang mga very educational na bagay at narito ang ilan sa mga katanungang sasagutin niya: Kung kasing laki mo na ang mga anak mo,  ikaw pa ba ang maghahanap ng pagkain nila? Magtitiis ka ba sa tuyot na lugar kung ang pagkaing masusungkit ay puro fat at sugar? Kaya mo bang pisilin  ang mga yelong natunaw sa tuktok ng bundok? Abangan ang mga kasagutan  sa Kap’s Amazing Stories” ng GMA7.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC