Zeus Collins, paiinitin ang gabi sa dance concert

October 29, 2018
Zeus Collins

Para kay Zeus Collins na tinaguriang God of the  Dance Floor, bigger and bolder ang kanyang second concert titled The Dance Machine Concert na magaganap sa Nov. 3 sa SM Skydome.

Produced by Istudyo ni Pipay, the Hashtags member is taking his big moves and undeniable swag at the night of the concert. Magkakaroon din daw ng jaw-dropping production numbers na dapat abangan.

What is set to make that night even more exciting ay ang presence ng kanyang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Dawn Chang, Ryan Bang and co-Hashtags members Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron and Jameson Blake.

Set to bring her own brand of dance party on the show is young performer and YouTuber Lady Pipay, with whom Zeus performed with during the latter’s birthday show.

After which, the unlikely tandem’s Bboom Bboom dance cover even landed among the trending topics with over 350,000 views to date.

Zeus and Lady Pipay dance spot would surely be one of the show’s highlights given their expertise in performing.

Ani Zeus, “Excited po akong ipakita sa kanila ang mga production numbers na hindi nila madalas na nakikitang ginagawa ko. Pero masayang masaya rin po ako na may nagtiwala ulit sa akin na magkaroon ng concert.

“Sana rin pagkatapos nilang manood ng concert ko, eh, mas ma-a-appreciate pa nila ang pagsasayaw.”

The Dance Machine Concert: Zeus Collins at Skydome is directed by dancer-choreographer Nesh Janiola. For tickets just visit https://smtickets.com/ or any SM Ticket Booth.