Yassi, ayaw mag-boyfriend

September 22, 2018
Yassi Pressman

Kinumpirma ni Yassi Pressman na dadalo siya sa ABS-CBN Ball na gaganapin sa Sept. 29. Syempre, curious ang lahat na malaman kung sino ang magiging escort niya.

Yassi Pressman
Yassi Pressman

“Wala po,” natatawang sabi ni Yassi when asked kung sino ang magiging escort niya.

Paano kung tanungin siya ni Coco to be her escort, papayag ba siya?

“Magkasama naman po kami sa ball, kami pong Probinsyano family,” she said.

As we all know ay patuloy na nali-link si Yassi kay Coco kahit na nga ba may tsismis na ang tala-gang girlfriend ng aktor ay si Julia Montes.

Marahil, ito ay dahil hanggang ngayon ay wala pa ring ipinakikilalang bagong boyfriend si Yassi after her break-up with Sef Cadayona some years ago.

Ayon kay Yassi, single raw siya by choice at dahil na rin daw sa trabaho. Bukod sa sobrang busy niya sa work, priority rin niya ang kanyang pamilya.

Kung follower niya kayo sa kanyang IG, you can easy tell na sobrang mahal na mahal niya ang kanyang pamilya lalo na nga ang kanyang ama na mag-isang nagpalaki sa kanilang magkakapatid matapos itong mahiwalay sa kanilang ina.

Yassi is busy now promoting her new movie under Viva Films na Para sa Broken Hearted na showing na sa October 3 kung saan kasama niya sina Sam Concepcion, Shy Carlos, Marco Gumabao and Louise delos Reyes.