4,890

Xian, type ma-shock si Kim sa pakikipaglampungan kina Coleen at Nathalie

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 595

Mas matutuwa si Xian Lim kung masa-shock si Kim Chiu kung gaano siya ka-daring sa pelikulang Sin
Island kasama sina Coleen Garcia at Nathalie Hart. 

Pareho siyang may matinding love scenes sa dalawang aktres at sobrang hot niya sa movie base
sa trailer pa lang.
    
“Maybe I guess, that’s a good thing (kung masa-shock si Kim)? Especially not only for Kim,
sa mga audience rin natin, kung masorpresa sila,” sabi ni Xian  sa grand presscon ng Sin Island last
Monday.
    
“Kanina nga, tinanong ako about jumping into a different genre, sabi ko, what makes me so
passionate is surprising people with the things I was never expected to do,” he said.

Ano ang reaksyon ni Kim sa trailer?
    
“Wala naman, eh. I mean, kami nga kasi, nandito na talaga kami sa point na parang we want to
do more films, kami man ang magkasama o hindi. Bonus na ’yun ’pag kami ang magkasama but kung hindi
man kami magkasama, nandu’n kami sa point na parang we just want to do it all.”
    
Napag-usapan din daw nila ni Kim ang tungkol sa pelikula at sa role niya, pero wala naman
daw talaga silang pakialamanan pagdating sa kani-kanilang projects.
    
“Usually sa mga ginagawa naming project, hindi naman kami ’yung type na nakikialam sa
ginagawa ng isa’t isa. Para sa amin, masaya kami when we get to express ourselves and everytime na
may trabaho kami, talagang I think, do’n talaga nagbu-burn ’yung passion namin na ‘wow, we’re doing
something different.’ How else pa ba namin iri-reinvent ang mga sarili namin? Ganu’n po kami.”
    
Kanino sa dalawang leading ladies niya ang mas wild and daring ang love scenes niya?
    
“Iba kasi ang approach nilang dalawa. With Coleen, she’s more of a relaxed type person na
‘let’s talk about it, pag-usapan natin lahat.’ Then, si Nat (Nathalie), more of a spontaneous type,
so I think it’s really different,” he said.
    
Asked kung may time na na-turn-on siya sa mga love scene sa dalawang naggagandahang leading
ladies niya, ani Xian, excitement ang naramdaman niya.
    
“You have to be excited sa ginagawa mo kung hindi, para kayong halaman,” natatawang sabi ng
aktor.
    
Showing na ngayong Feb. 14 ang Sin Island mula sa direksyon ni Gino Santos.