5,069 guests

Winwyn, may pasalubong sa mga taga-Bolivia

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 533
Winwyn Marquez Winwyn Marquez

KAHAPON, October 19 tumulak patungong Sta. Cruz, Bolivia ang actress-turned beauty queen na si Winwyn Marquez  na siyang kinatawan ng Pilipinas for the very first time sa 2017 Reina Hispanicoamericana.  Si Winwyn bale ang kauna-unahang Filipina and the only Asian candidate sa nasabing beauty pageant na binuo noong 1991 sa Bolivia na dominated ng mga Latin American countries.

Kasama ni Winwyn umalis patungong Bolivia  ang kanyang nakatatandang kapatid na si Yeoj Marquez.

Ang 2017 Reina Hispanoamericana pageant will be held on November 4, 2017 sa Sta. Cruz, Bolivia na siyang homebase ng nasabing patimpalak.

Tiyak na matutuwa ang ibang kandidata ng Reina Hispanicoamericana dahil may pasalubong sa kanila si Winwyn maging sa mayor ng Sta. Cruz, Bolivia (host country) na pearl necklace.

Bago umalis ay hiningi ni Winwyn ang dasal ng kanyang mga kababayan na sana’y maiuwi niya ang crown lalupa’t first  time itong sasalihan ng Pilipinas.

‘THE FOREIGNER,’ DINUDUMOG

WHO would ever think na kayang pagsamahin sa isang pelikula ang dalawang Hollywood icons na sina Jackie Chan at Pierce Brosnan sa pelikulang “The Foreigner” na kumita na ng mahigit $102M plus since its release on September 30 sa China at October 13 sa Amerika at October 18 naman sa Pilipinas?
    
Ang action-thriller movie na “The Foreigner” na dinudumog ngayon sa mga sinehan nationwide ay dinirek ni Martin Campbell mula sa panulat ni David Marconi base sa nobelang “The China Man”  by Stephen Leather.
    
Isa si Jackie sa mga producer ng pelikula na ginastusan ng $35-M.
    
Sa “The Foreigner,” si Jackie ay gumanap sa papel ni Nyok Minh Quan, isang retired Vietnam war special forces operator na nagpapatakbo ng isang Chinese restaurant in London.  Nang mamatay ang anak niyang si Fan sa isang department store bombing, Quan hunted the perpetrator.
    
Si Pierce Brosnan naman ang gumanap sa papel ng Iris Deputy Minister na si Liam Hennessy na umaming siya ang pinuno ng IRA na siyang binalikan ni Quan para maipaghiganti ang pagkamatay ng kaisa-isang anak.
    
Casting coup na maituturing ang pagsasanib-puwersa nina Chan at Brosnan sa “The Foreigner” now making a killing at the box office worldwide and released locally by Viva International Pictures and MVP Entertainment.

DEREK, ’DI PA TIYAK ANG KAPALARAN SA PAGTATAPOS NG TV5 CONTRACT

MATATAPOS na ang TV contract ni Derek Ramsay sa TV5 on April 2018 pero hindi pa alam ng athlete, model-turned actor  and celebrity endorser  kung ano ang mangyayari.
    
TV5 is now more focused sa news, sports and digital programs kaya isa-isa nilang pinakawalan ang kanilang contract stars and entertainment talents.
    
Sa ngayon ay focused muna si Derek sa kanyang reunion movie with Jennylyn Mercado na nakapareha niya sa hit MMFF movie na “English Only, Please” na nagbigay sa kanilang dalawa ng Best Actor at Best Actress award respectively  in 2014.
    
Derek was at the peak of his career sa bakuran ng ABS-CBN when he decided to transfer to TV5 in 2012.
    
Will the Kapamilya Network take him back to its fold tulad ng nangyari kina Sharon Cuneta at Aga Muhlach?