4,747 guests

Winwyn at Mark, sinusulit ang oras na magkasama

  • Written by VV
  • Published in Showbiz
  • Read: 376

Dahil malapit nang umalis si Winwyn Marquez para sa Reina Hispano Americana pageant na gaganapin sa Bolivia sa Nobyembre, sinusulit na nila ni Mark Herras ang natitirang mga oras nila na magkasama.

“Mas lagi ko siyang kasama ngayon. Kasi alam niya, aalis na ako soon and I’ll be gone for a month kasi I’ll stay in New York after the pageant also to rest. I think, he’s just maximizing the time that we have right now,” sabi ni Winwyn nang makatsikahan ng entertainment press sa contract signing niya with Regal Entertainment along with the other winners of Miss World Philippines.

Dahil may trabaho si Mark, hindi ito makakasama sa kanya sa Bolivia at ayaw din naman daw niya dahil baka ma-distract lang siya.

Si Winwyn ang kauna-unahang Pilipina na lalaban sa naturang beauty pageant na 28 years nang nag-i-exist pero ngayon pa lang may nakapasok na Pinay.

Na-feature na si Winwyn sa newspaper sa Bolivia na Promociones Gloria kung saan ay tinawag siyang La Reina de Asia or The Queen of Asia.

Siyempre, tuwang-tuwa si Winwyn at tinawagan daw niya agad ang inang si Alma Moreno.
    
“Sabi ko, ‘Ma, my gosh, pressure! Queen of Asia!’ Nu’ng nilabas sa newspaper, du’n napansin, I think, the other Asian fans and it’s nice that there’s no hate towards it and they’re very acceptive of it.
    
“So, for me, parang ‘oh, my gosh!’ at least napapansin naman kahit first time sumali, at least napag-uusapan din ’yung pageant dito and nalalaman ng ibang Pinoy kung ano ’yung pageant na ’yun.”
    
Natatawa nga si Winwyn na mas kinakabahan pa raw ang pamilya niya kesa sa kanya, pero syempre, katakut-takot na moral support at words of encouragement daw ang ibinibigay ng mga ito sa kanya.
    
Nakatakdang umalis si Winwyn sa Oct. 19 at sobrang excited na siya’t ninenerbyos.
    
When she comes back, saka pa lang daw niya iisipin ang mga showbiz project.
    
For now, focused daw muna siya sa pageant at happy siya na bago sila umalis ay binigyan sila ng movie contract ng Regal Entertainment.