Winner ng ‘The Clash’ kaboses at kahawig ni Sarah Geronimo

October 01, 2018
Golden Cañedo

GRAND champion si Golden Canedo, ang Golden Voice ng Cebu, sa GMA7 singing competition na The Clash last Sunday. Tinalo  ng 16-year-old ang Trending R& Star ng North Cotabato na si Jong Madaliday.

Nagkakaisa nga halos ang lahat sa nakasaksi sa pagsali ni Golden na kaboses at kahawig niya si Sarah Geronimo, huh! Of course ang lamang ni Golden kay SG, eh, mas bata ito sa kanya, huh!

Kahit natalo, hindi pa tapos ang career ng ibang grand finalists na sina Mirriam Manalo, Anthony Rosaldo, Barrett Golden at Josh Adornado.

Magiging bahagi sila ng bagong musical-variety na Studio 7. Pero bago umere ito next week, ang balita namin ay magkakaroon ng The Clash Special ngayong weekend.

Kung hinahangaan ang nakuhang contestants sa The Clash umani rin ng papuri ang creative group ng GMA dahil sa pagiging innovative nito sa konsepto ng The Clash. Kumbaga, hindi nila kinailangang kumuha ng shows mula sa abroad para tutukan ng publiko ang palabas, huh!

Anyway, next year ay magkakaroon ng season 2 ang singing search pero hindi na si Regine Velasquez-Alcasid ang host nito. Balita namin, ikinalungkot ito ni Songbird nang kanyang malaman, eh, dahil goodye Kapuso na siya, papalitan na lang siya ng iba.