7,910

Whitney 15 taong tumira sa ilalim ng tulay

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 372
Whitney Tyson Whitney Tyson

BAYANI ang turing kay Coco Martin ng mga artistang natulungan ng actor-producer-director at celebrity endorser sa pamamagitan ng kanyang top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Kung tutuusin, may mga artista at maraming mga eksena sa “Ang Probinsyano” ang hindi na mahalaga at puwede nang i-edit pero ang mga eksenang ito ay kasama ang mga artistang tinutulungan ni Coco na ang pinaka-latest ang actress-comedienne nung 80’s and 90’s na si Whitney Tyson (Bonnie Fowler sa tunay na buhay) na matagal-tagal na ring dumaranas ng hirap dahil sa kawalan ng trabaho.

Matapos ma-feature si Whitney sa “Rated-K” program ni Korina last June 3, hindi nag-aksaya si Coco na tulungan si Whitney at agad niya itong isinama sa programa. Labinlimang taong tumira sa ilalim ng Nagtahan Bridge in Manila si Whitney.

Ang screen name ni Whitney Tyson ay mula sa pinaghalong pangalan ng American pop star na si Whitney Houston at ang American boxing champ na si Mike Tyson. Nagsimula siya in 1987 nang siya’y isama sa now-defunct gag show na “ Goin’ Bananas” na tumagal sa ere ng limang taon at pinagbidahan nina Christopher de Leon, Edgar Mortiz, Al Tantay at ang mga yumaong sina Jay Ilagan at Johnny Delgado. Nakasama rin sa nasabing programa ang yumaong comedienne na si Zorayda Sanchez.

Sumikat noon si Whitney at naging sunud-sunod din ang mga sinalihan niyang TV series at pelikula at naging in-demand din siya noon sa mga personal appearances. Pero ang lahat ng bagay ay may katapusan. Ang buong akala noon ni Whitney ay madaling kitain ang pera kaya nakalimutan niyang mag-impok for the rainy days.

Dumalang ang proyektong dumating kay Whitney hanggang sa totally ay wala na at doon nagsimula ang hirap ng buhay ng komedyana.

Ngayon, umaasa si Whitney na sana’y tuluy-tuloy na muli ang kanyang showbiz career.

LEA MULING NAPANOOD SA TONY AWARDS

SA ikaapat na pagkakataon ay muling tumuntong sa entablado ng Tony Awards na ginanap sa Radio City Music Hall ng New York City, USA last Sunday, June 10 ang Filipina West End and Broadway way star na si Lea Salonga nang ito’y mag-perform along with the cast ng “Once On This Island” na nominado in 8 categories at nanalo ng Best Revival of a Musical Award.

Lea first stepped in sa Tony Awards in 1991 nang kanyang tanggapin ang kanyang kauna-unahang Best Actress in a Musical Award (for “Miss Saigon”) making her the very first Filipina and Asian to receive such award. Sumunod dito as guest performer at sa ikatlong pagkakataon ay bilang presenter.

Samantala, mukhang may linaw na ang reunion movie nila ni Aga Muhlach hopefully this year which will be co-produced ng Star Cinema and Viva Films.

Sina Lea at Aga ay dalawang beses nagtambal noon sa pelikula. Una sa 1992 Metro Manila Film Festival hit movie na “Bakit Labis Kitang Mahal” na dinirek ni Joey Javier Reyes for OctoArts Films and in 1995sa pelikulang “Sana Maulit Muli” na dinirek in Olivia Lamasan for Star Cinema.

BEA NAMI-MISS SI JOHN LLOYD

TIYAK na marami ang magugulat sa bagong hairdo ng Kapamilya star na si Bea Alonzo matapos itong magpaputol (bob cut) at maglagay ng bangs na huli niyang ginawa when she was 7 years old.

Gusto kasi ni Bea na mabigyan ng ibang look ang kanyang bagong ginagampanang role opposite Aga Muhlach na first time niyang katrabaho in a yet untitled movie na pinamamahalaan ni Paul Soriano.

Kasalukuyang nasa Vancouver, Canada sina Bea at Aga kung saan kinukunan ang pelikula.

Although she gets to partner now with different leading men, hindi ikinakaila ng 30-year-old Kapamilya actress na nami-miss niyang katrabaho ang kanyang perennial screen partner na si John Lloyd Cruz na naka-indefinite leave ngayon sa showbiz.

MOIRA TANGGAP NA ANG NANGYARI SA MGA MAGULANG

MEMORABLE sa singer-composer at hitmaker na si Moira de la Torre ang muli nilang pagkikita ng kanyang estranged dad in August last year sa San Francisco, California kung saan ito naka-base ngayon with his new family.

Tatlong taong gulang pa lamang noon si Moira nang magkahiwalay ang kanyang parents at nanirahan sila ng kanyang ina sa Olongapo ng ilang taon para hindi sila ma-trace ng kanyang ama. Pero after twelve years ay muli silang nagkita ng kanyang ama (nung isang taon) at naging magaan na ang lahat. Ito ay dahil pare-pareho na nilang tanggap ang sitwasyon.

Siguradong dadalo ang ama ni Moira sa kanyang napipintong kasal sa kanyang fiancé na si Jason Marvin. The couple got engaged last April at pinaghahandaan na nila ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Samantala, ngayong sikat na si Moira ay hindi na ito ligtas sa mga bashing bagay na unti-unti na rin niyang natatanggap.

Sumikat nang husto si Moira nang mag-hit ang kanyang mga kantang “Malaya” at “Titibo-tibo” na siya rin mismo ang nag-compose.

SINU-SINO ANG BUNTIS NGAYON?

SA darating na August 30, 2018 ay magtu-two years old na firstborn ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania na si Antonio Primo at ipinagbubuntis naman ngayon ng TV host-actress ang magiging second baby nila ng mister niyang si Drew na isa ring boy.

Nakatakdang isilang ni Iya ang second baby nila ni Drew sometime in August na siya ring birth month ng kanilang panganay na si Primo.

Bukod kay Iya, ipinagbubuntis din ngayon ng TV host na si Bianca Gonzales ang magiging second child nila ng mister niyang cager na si JC Intal. Magti-three years old naman ang kanilang panganay na si Lucia.

Pangalawang baby rin ang ipinagbubuntis ngayon ng dating beauty queen-turned actress na si Lara Quigaman sa mister niyang si Marco Alcaraz. Five years old naman ang kanilang panganay na si Noah.