When the actress finds her prince ‘leading man'

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 279
Prince Harry and Meghan Markle Prince Harry and Meghan Markle

HANGGANG ngayon ay wala  pang nakaka-duplicate  sa July 29, 1981 grand  British Royal Family wedding nina Prince Charles at ang yumaong si  Princess Diana na ginanap sa St. Paul’s Cathedral in London na sinubaybayan ng buong mundo.  Not even when the estranged couple’s eldest son, Prince William married  Kate Middleton on April 29, 2011 sa Westminster Abbey.

Come May 19, 2018  ay nakatakdang ikasal ang nakababatang kapatid ni Prince William na si Prince Harry (33) sa 36-year-old American actress and divorcee na  si Meghan Markle na gaganapin sa 15th century old St. George’s Chapel sa loob  ng Windsor Castle ground na siyang official residence ng paternal grandmother ng groom-to-be  na si Queen Elizabeth II.  Ang wedding reception ay gaganapin naman sa St. George’s Hall.  The wedding ceremony will be officiated by Arbishop Justin Welby, ang Archbishop ng Canterbury.  Ang nasabing Arsobispo rin ang nagbinyag sa dalawang anak nina Prince William at Princess Kate na sina Prince George at Princess Charlotte.

Bago ang British royal family wedding ay nakatakdang binyagan at kumpirmahin sa isang Catholic church in England si Meghan at pino-process na rin ang kanyang pagiging British citizen although gusto nito ng dual citizenship at i-maintain ang kanyang American citizenship.

Sina Prince Harry at Meghan ay nagkakilala sa isang blind date nung January 2016 arranged for them by a common friend and it was in November 27, 2017 nang i-announce ang kanilang engagement sa publiko.  Limang buwan nang nagdi-date ang dalawa nang ito’y malaman ng media. June 2016 ay magkarelasyon na sina Prince Harry at Meghan.

Si Meghan na nagtapos ng double degree in Theater and Intenational Studies sa Northwestern University in Illinois, USA ay nagmula sa isang broken family.  She was only six years old nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang na sina Thomas Markle Sr., isang award-winning lighting director at kasalukuyang nakatira sa Mexico at ni Doria Loyce Ragland, isang social worker at yoga instructor at nakatira naman sa View Park, Windsor Hills in California, USA.  May dalawang  elder paternal half-siblings si Meghan na sina Thomas Markle, Jr. at si Samantha.

Si Meghan ay divorced sa kanyang unang husband, ang actor-producer na si Trevor Engleson.  The uncouple got married in 2011 and got divorced in 2013.
    
Meghan is of Caucasian, African and American descent and considers herself half-black and half white.  Siya’y lumaki sa Hollywood dahil na rin sa propesyon ng kanyang dad na isang lighting director.  Ito rin ang naging daan ng kanyang pagiging artista na related sa kursong kanyang kinuha.
    
Meghan married actor-producer Trevor Engleson sa Ocho Rios, Jamaica on September 10, 2011 pero ito’y nauwi sa divorce in 2013.
    
In January 2016, Meghan met her real prince na si Prince Harry na magiging mister na niya come May 19, 2018.
    
Ngayong tigil na siya sa kanyang acting career, ipagpapatuloy naman ng future princess na si Meghan ang kanyang humanitarian activities na sinimulan niya noon pa mang hindi pa nagku-cross ang path nila ni Prince Harry.
    
Tulad nung buhay pa noon ang ina ni Prince Harry na si Princess Diana, nakilala ito nang husto dahil sa kanyang mga nagawang kawanggawa magmula nang maging miyembro ng Royal family.  Si Princess Diana ay sumakabilang-buhay sa isang vehicular accident in Paris, France nung August 31, 1997 and the world mourned her death at age 36 na siyang edad ngayon ni Meghan.  At that time ay divorced na siya kay Prince Charles na nangyari nung August 28, 1996.

ELMO MAS IN LOVE KAYSA KAY JANELLA

BETWEEN Elmo Magalona (23)and Janella Salvador (19), halatang mas in love ang binata ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona sa dalaga ng singer-actress na si Jenine Desiderio.
    
Very vocal si Elmo sa kanyang nararamdaman kay Janella na kinu-consider niyang pinaka-espesyal na babae sa kanyang puso ngayon at nakahanda umano siyang maghintay kung kelan handa na si Janella na tanggapin siya bilang nobyo.
    
Hindi rin naman ikinakaila ni Janella na espesyal sa kanya si Elmo at malalim na rin ang kanilang pagkakaibigan pero mukhang hindi pa ito handa sa isang seryosong relasyon dahil priority niya sa ngayon ang kanyang career bilang singer-actress.
    
Sina  Janella at Elmo ay mga pangunahing bituin sa pelikulang palabas ngayon, ang Valentine offering ng Regal Films, ang “My Fairy Tail Love Story” na dinirek ni Perci Intalan at nagbukas sa mga sinehan nationwide simula kahapon, February 14, araw ng mga puso.
    
Hindi naman nagpapakabog si Elmo sa pag-ayaw umano sa kanya ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio kung iba-base sa mga post nito sa kanyang social media account.

JOANNA HANGA SA TAPANG NI MARK

MARAMI man ang bumabatikos sa pagpapakatotoo ng singer-actor na si Mark Bautista sa kanyang tell-all authobiography book na pinamagatang “Beyond the Mark," marami rin ang humanga sa kanyang ipinakitang katapangan sa kanyang sexual preference at kasama na rito ang theater singer-actress na si Joanna Ampil.
    
Sa upcoming book ni Mark na nakatakdang i-release ng VRJ Books (ng Viva Group of Companies), inamin ni Mark na siya’y bi-sexual at ang pagkakaroon niya ng intimate relationship sa isang guy friend.
    
Ang pagiging honest ni Mark sa kanyang libro will not make him less of a person dahil sa kanyang angking talino in singing and acting at pakikipag-kapwa tao.

POKWANG WALA PANG KASALANG MAGAGANAP KAHIT MAY ANAK NA

NGAYONG may baby na ang live-in partners na sina Pokwang (Marietta Subong in real life) at ang American actor na si Lee O’Brian na si Malia Francine, kasunod na kaya rito ang kasal ng dalawa?
    
Naka-leave pa rin si Pokwang hanggang ngayon sa kanyang mga showbiz commitments dahil nakatutok siya sa kanyang more than a month-old baby.  Maybe in two months’ time ay puwede nang bumalik ang singer-comedienne sa kanyang trabaho.
   
SAM, JOHN AND ANGELICA: BUSINESS PARTNERS

IT was in November 20, 2017 nang opisyal na maging business partners ang magkakaibigang Sam Milby, John Prats at Angelica Panganiban nang itatag nila ang production house na Bright Bulb Production.  Ang nasabing company ang responsible sa hit music video ni Moira de la Torre para sa kanyang hit song na “Malaya” kung saan sina Sam at Angelica ang gumanap na characters sa video na dinirek ni John.
    
Sa guesting nina John at Moira sa “Tonight with Boy Abunda” last Tuesday evening ay inamin ni John na ang creative inputs ay nagmumula kay Angelica at magaling naman sa editing si Sam although nagbi-brain storming sila sa bawat proyekto na kanilang gagawin.
    
Sina Sam, John at Angelica rin ang producer ng two-night sold out concert ni Moira sa KIA Theater ngayong February 17 at 18 na si John din mismo ang magdidirek.