5,719 guests

Waiting

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 313

Winwyn, magpapalit ng pangalan

... kasal kay Mark, ’di prayoridad ng beauty queen

BAUN-BAON ni Winwyn Marquez ang payo ng inang si Alma Moreno at tiyahin na si Melanie Marquez na, “Be
strong!” bago siya sumabak sa Miss Reina Hispanoamericana sa Bolivia last November 4. 

Kabado siya nang bumiyahe kasama ang kapatid na si Yeoj at tiyahin na si Aileen.
    
“I was lost! I have no interpreter for three days when we arrived there,” bulalas ni Wyn sa
welcome-cum-victory presscon na ibinigay ng Miss World-PH head na si Arnold Vegafria pagdating niya
last Monday.
    
Tagumpay naman si Wyn na maiuwi ang crown bilang first Asian na manalo ng titulong Miss Reina
Hispanoamericana.
    
Kaugnay ng panalo niya, mag-aaral siya ng Español at palalaganapin ang Hispanic culture sa
bansa.
    
“Besides spreading the Hispanic culture, my advocacy is education. Gusto ko ring malaman ng
millennials ang Hispanic culture. Mas maganda kasi na magsimula sa iyong country. You help those kung
saan ako nagsimula. ’Pag nalatag ko na sa kanila (sa Bolivia), sila naman ang papupuntahin ko rito,”
saad pa ng bagong beauty queen ng bansa.
    
Habang nandoon, hindi niya alam na isa siya sa early favorites sa pageant.
    
“Iba kasi ’yung binibigyan nila ng attention. Siguro akala nila favorite ako kasi I was the
first one who arrived. So I had photoshoots. Parang minaximize nila habang nandoon ako. Hindi ko
naramdaman na favorite ako.
    
“Sumakto lang talaga I think when I did the talent portion. ’Yung nag-change costume ako,
hahaha! I think doon sila naging curious. ‘Sino ba talaga ang candidate na ito?’ Kasi all of the
candidates know na 18 years old ako. They were calling me baby. Miss Australia was calling me Joey
’yung sa Kangaroo. She thought  was young. After that dance, they thought na, ‘Ay, itong girl na ito,
pasabog!’” rason ni Wyn.
    
Twenty six ang nakalaban ni Wyn. Hirap siyang makipag-communicate dahil hindi niya alam ang
language.
    
“Hindi ako maka-reach out pero ako na ’yung nag-reach out. Nagsa-sign language ako para
makipag-communicate. You can’t just frown and sit on the side doing nothing,” chika pa niya.
    
Bilang pagbabago, gagamitin na ni Wyn ang totoo niyang pangalan bilang Teresita ngayong Reina
Hispanoamericana winner na siya.
    
Tuloy pa rin ang showbiz career niya at ang waiting lang ang kasal nila ng boyfriend na si
Mark Herras.
    
“Wedding can wait. Marami pa tayong gagawin at kaya ko namang pagsabayin ang reign ko at love.
Kasama si Mark sa lahat ng pangarap ko sa buhay,” sey pa niya.
    
Samantala, mapapanood ang delayed telecast ng Miss Reina Hispanoamericana ngayong Sunday,
November 19, sa GMA News TV.