Virgin!

September 26, 2018
Sanya Lopez

Derrick, gulat sa pagka-wild ni Sanya.

Hindi makapaniwala si Derrick Monasterio na virgin si Sanya Lopez dahil ang galing-galing daw nito sa mga intimate scenes nila sa pelikulang Wild and Free ng Regal Entertainment.

“Hindi ako naniniwala kasi ang galing niya, eh. Ganu’n siya kagaling umarte, hindi ko na-feel,” sabi ni Derrick sa presscon ng nasabing pelikula.

Pero bilang first love scene din daw niya ito, talagang sobrang kinabahan din daw siya habang ginagawa ang eksena at natatakot din.

“Kasi baka bigla akong masampal. Ako, na-envision ko na agad ’yung magiging takbo ng scene, eh. Kung ano ’yung mga mangyayari.

“Siyempe, pini-filter ko rin kung ano ang dapat hindi gawin, hindi ko talaga gagawin kasi respect kay Sanya,” he said.

Sobrang puring-puri naman ni Sanya si Derrick sa pagiging gentleman kaya kahit first time niyang gawin ang mga maseselang eksena ay hindi naman siya nahirapan at tinulungan din naman daw sila ng direktor nilang si Connie S.A. Macatuno.

“Nakatulong din po sa akin na gentleman po talaga si Derrick at close kami. ’Pag po kasi nandu’n ka sa set at nandu’n ’yung respeto sa isa’t isa, magagawa n’yo nang maayos ang bawat eksena n’yo,” sabi ni Sanya.

Since first time niya at sa totoong buhay ay wala pa siya talagang experience sa ganitong bagay, paano niya pinaghandaan ang kanyang role?

“Of course, nag-prepare po ako, nanood din po ako talaga ng iba’t ibang intimate scenes. Nanood ako ng ’yung makakatulong sa akin, alam kong makakatulong para sa karakter ko, du’n sa malapit sa karakter ko.

“At the same time, ’yun nga po, nag-workshop kami at nandiyan po si Direk Connie para tulungan kami sa mga bagay na nahihirapan kami at nagtanong-tanong din ako actually sa mga friends ko na nakaranas din ng mga ganitong eksena. Kasi siyempre, hindi naman malayo ang story namin sa totoong nangyayari sa buhay, eh,” sagot ni Sanya.

Si Derrick naman ay aminadong hindi na raw unfamiliar sa kanya ang mga ganitong eksena.

“Kasi, of course, as a millennial, I’m sure, most of you guys here, nu’ng age namin kayo, ano rin, may mga wild and free rin, ’di ba? Ang sa akin lang siguro, kumukuha lang ako sa past experiences ko and sabi nga ni Derrick, ginagawa lang namin siya as art,” pahayag ng young actor.

Sanya is only 22 years old at wala pa siyang nagiging boyfriend. When asked why, aniya, siguro raw ay dahil talagang naka-focus siya ngayon sa kanyang karera.

“Siguro, kapag mahal na mahal mo ang ginagawa mo, medyo ayaw mong ibigay sa boyfriend mo na medyo alam mo ’yun, hindi full ’yung ibinibigay mong pagmamahal sa boyfriend mo dahil nahahati, ganyan.

“Pwede namang maging inspirasyon, sabi nga ni direk, pero sa akin po kasi, hindi ako sanay na nahahati pa dahil sobrang in-love po ako sa trabaho ko ngayon,” she said.

When asked kung may ibinibigay siyang age sa sarili niya para magkaroon ng boyfriend, pabiro niyang sabi na siguro raw ’pag 23 na siya kaya 1 year na lang.

Pero seriously, hindi raw niya masasabi talaga at darating na lang daw ito nang hindi natin makokontrol.

Sobrang sport nga ni Sanya na pati ang tanong kung kailan niya balak isuko ang kanyang virginity ay sinagot niya.

“Matagal pa ’yan. Matagal pa. Hindi ko pa naiisip po sa ngayon,” sey ni Sanya.

Anyway, sa trailer pa lang ay talagang napaka-hot na ng Wild and Free na showing na sa Oct. 10 at ngayon pa lang ay sinasabi nang ito ang magbabalik ng sexy film sa industriya.