Victor, Antonio at Mike nagpakitang gilas sa ‘Hapi Ang Buhay the Musical’

September 29, 2018
Mike Magat, Victor Neri at Antonio Aquitana
Mike Magat, Victor Neri at Antonio Aquitana

Mula sa comedy TV series na Hapi Ang Buhay, inihahandog ng EBC Films ang Hapi ang Buhay the Musical. Napanood ito sa  noong Sept. 21, 2018 sa SM Megamall Cinemas 3 at 4.

Nagpakitang gilas sa pag-arte na may kasamang kantahan at sayaw  ang mga paboritong karakter mula sa Net 25 series. Layunin ng palabas na makapagtuturo kagandahang-asal.

Napanood sa musical sina Antonio Aquitana, Victor Neri at Mike Magat.

Ang Hapi Ang Buhay ay sa panulat ng pamosong director na si Carlo Ortega Cuevas, na itinanghal na Best Director in Foreign Language Film sa kanyang pelikulang Walang Take Two sa International Filmmaker Film Festival of World Cinema sa London.

Si Cuevas rin ay nanalo bilang Best New Comer Filmmaker of the Year sa World Film Awards sa Jakarta, Indonesia.

Ang huling pelikula ni Cuevas na Guerrero ay nanalo naman kamakailan ng Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival at gayundin ng Best Editing in Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival nitong taon.

“Ang pinakadahilan naming kaya kami gumagawa ng mga pelikula ng EBC Films ay makapag-promote ng values. At naniniwala ako na magagawa ang pagpo-promote ng values ng hindi boring. Kaya, ginagawa naming ang makakaya namin para makapagturo at makpagbigay ng inspirasyon nang hindi naman nakokompromiso ang entertainment value,” wika ng direktor.

Kasama ni Cuevas si Giancarlo Escamllas bilang cinematographer, na nanalo noong 2017 bilang Best Cinematographer in a Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival. Sina Abednego Alfonso at Amiel Tuazon ang naglapat ng musical arrangement.

“Nasa puso na ng mga Pilipino ang kantahan at sayawan. Nagbibigay ito ng kaaliwan habang hinaharap nila ang maraming pagsubok sa buhay. Magagawa ng Hapi ang Buhay the Musical na kayo ay mapatawa at mapakanta, at gayundin magturo ng mabubuting asal sa pamamagitan ng satire ng karaniwang buhay ng Pilipino,” sabi naman ni Robert Capistrano ng EBC Films.

Ang Hapi ang Buhay ay ang pangalawang pelikulang binuo ng EBC Films sa kanilang misyon na makabuo ng mga pelikulang nakapagbibigay inspirasyon at kapupulutan ng aral.