Vice nagmukhang puchu puchu sa harap ni Marian

October 14, 2018
Vice Ganda

May special na bisita sa last shooting day ng Star Cinema/Viva Films entry sa MMFF na Fantastica dahil dumalaw sa shooting si Marian Rivera para bisitahin ang asawang si Dingdong Dantes at pati na ang bida ng movie na si Vice Ganda.

May series of IG post si Vice sa pagbisita ni Marian at sabi nito, “Naknampotek napakaganda ni Marian!!! Mukha talagang artista! Nagmukha akong puchu puchu!!!”

Sinundan pa ng tweets na, “Oh,em!!! Marian Rivera joined us on our last shooting day of Fantastica. Honggondoooo!!! Mukhang teen star!!! Nagpapicture ako talaga!” at “Nung natitigan ko yung mukha ni Marian napaisip talaga ko kung paano ko naging artista!!! Di ako nakarecover agad! Fowtah ang ganda e! #faney.”

May  tweet si Vice na bukod sa binanggit ang cast ng movie, may sinabi pa siyang “may 2 surprise big stars in Fantastica. Di naman star studded. Sakto lang.”