5,071 guests

Vice at Coco, magsasalpukan, nagkakatampuhan

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 339

PAREHONG may entry sina Vice Ganda at Coco Martin sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan.

Bibida si Vice sa pelikulang "The Revenger Squad." Super hero ang kanyang karakter dito. Bukod sa kanya, makakasama rin niya sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach. Kaya naman malawak ang mahahatak nitong audiences. Siyempre, pangunahing target ng pelikula ang mga bata na sila ang nasusunod 'pag Pasko. Naging tradisyon na kasi sa mga kabataan ang panonood ng movie tuwing Kapaskuhan.

Mga bata rin ang target ng pelikulang "FPJ's Ang Panday" ni Coco. May following na ang iconic movie na ito. Pero bago ito sa paningin ng mga millennial, lalo na sa mga bata. Kaya siguro isinali ni Coco ang mga kasama niyang child stars sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" para maka-relate ang mga ito sa pelikula. Idol kasi siya ng mga bata dahil na rin sa impact na nagawa ng kanyang karakter na Cardo sa nasabing teleserye.

Both their movies capture moviegoers of all ages. Kaya tiyak na mag-aagawan sila sa pagiging number one sa takilya sa film festival. Matatandaan na nagsanib-puwersa na ang dalawa sa mga nakaraang MMFF sa mga pelikulang "Beauty and The Bestie" (2015) at "The Parental Guardians" (2016), na parehong blockbusters.

Ngayon, sila naman ang magkalaban sa takilya. Dahil dito, napabalitang nagkatampuhan ang dalawa ngunit mabilis naman nilang pinabulaanan ito.
    
Magkakainitan kaya sina Vice at Coco na mauuwi sa totohanang tampuhan sa kasagsagan ng film festival? Just asking...

GOODBYE WINWYN, HELLO TERESITA!

INSPIRING talaga ang pagkapanalo ni Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017.
    
Sa Kapamilya morning show na "Magandang Buhay," ibinahagi niya kung ano ang pinagdaanan niya sa nasabing pageant. Na pikit-mata niyang hinarap ang kanyang laban sa Bolivia. Pinasalamatan niya ang kanyang pamilya na siyang pinaghugutan niya ng lakas at inspirasyon.         Nagpasalamat din siya sa kanyang bashers sa pagbibigay-lakas sa kanya para patunayan sa kanyang sarili na kaya niyang harapin ang lahat ng hamon sa buhay. Kahanga-hanga ang kanyang ginawa dahil hindi siya nagpatalo sa mga panlalait sa kanya. Ngayon, bagong buhay ang kanyang

haharapin bilang kauna-unahang Reina Hispanoamericana.
    
At simula rin ngayon, gagamitin na niya ang kanyang totoong pangalan naTeresita. Ayon na rin ito sa payo ng organizer ng nasabing pageant. Dahil 'yun daw ang pangalan na nakilala siya sa pageant.
    
Mas sisikat kaya siya sa showbiz sa pagiging Teresita Marquez? Just Asking…

Disclaimer:

Para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..