5,047 guests

Vic, ipinagtanggol si Maine

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 264

HINDI nakaligtas si Vic `Bossing’ Sotto sa tanong ng ilang movie scribes at the presscon of “Meant to Beh” na ginanap sa Annabel’s in Quezon City last Tuesday afternoon kung totoong suspendido sa “Eat Bulaga” ang Dubsmash Queen at ka-loveteam ni Alden Richards na si Maine Mendoza.

“Bakit naman siya masu-suspendi?,” balik-tanong ni Bossing.

“Sa pagkakaalam ko, nagbabakasyon lang si Maine at babalik din siya sa programa. Hindi rin totoong mabubuwag na ang AlDub,” paniniguro niya.

DANIEL AT IBA PA, NAGULAT SA NATUKLASAN

ALL praises kay Vic `Bossing’ Sotto ang bumubuo ng cast at director ng Metro Manila Film Festival movie na “Meant To Beh” dahil bukod sa kanyang pagiging lead actor at co-producer ng pelikula along with OctoArts Films and APT Entertainment, napaka-supportive umano nito sa mga katrabaho.

“All of us were excited to work with Bossing at nang makatrabaho namin siya sa movie, we discovered na parang hindi siya malaking star and he’s just one of us,”pahayag ng Brazilian-Japanese model-turned-actor na si Daniel Matsunaga.

Ito rin ang pahayag ng iba pang bumubuo ng cast ng “Meant To Beh” including his leading lady na si Dawn Zulueta.
    
It’s been 20 years nang unang magkatrabaho sina Bossing at Dawn sa now-defunct “Okay Ka, Fairy Ko” pero never pa nagtambal ang dalawa sa pelikula until “Meant to Beh” came along.
    
“Si Dawn talaga kaagad ang naisip namin when we read the script,” ani Bossing. “Bagay na bagay sa kanya ang role.”
    
“Meant to Beh” movie has many firsts.
    
First time ni Bossing na makatrabaho sa movie si Dawn. First time din niyang nakaratrabaho as director si Direk Chris Martinez.  Although araw-araw silang magkasama sa “Eat Bulaga” ni Baeby Baste, first time din nilang nagsama sa movie ganundin sina Daniel Matsunaga, JC Santos, Sue Ramirez, Gabbi Garcia, Ruru Madrid at Andrea del Rosario.
    
“Meant to Beh” is the only family-oriented comedy movie na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na magbubukas sa mga sinehan on December 25, araw ng Pasko.  May special participation din sa pelikula sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez at iba pang Dabarkads.

BASTE, ’DI MARUNONG MAGBASA NG SCRIPT

KAHIT hindi pa marunong magbasa ng script ang five-year-old na si Baeby Baste, ginulat nito sina Direk Chris Martinez at Vic `Bossing’ Sotto sa husay ng pick-up nito at mag-deliver ng kanyang mga lines.
    
“Ang buong akala  namin  ay laru-laro lang ang gagawin nito pero gugulatin kayo ni Baste sa pelikulang ito (“Meant to Beh”),” pahayag ni Direk Chris na ang kaba to direct Bossing ay napalitan na paghanga at respeto.
    
Dahil si Baeby Baste lang ang bata sa movie, spoiled siya sa kanyang mga kasamahan sa “Meant to Beh”.

CONG. YUL, ’DI APEKTADO NG TSISMIS

AYON sa actor-politician na si Yul Servo, hindi umano siya affected sa mga intriga linking him to his good friend, Piolo Pascual.
    
“Close kaming magkaibigan (ni Piolo) at hindi mabubuwag ng anumang intriga ang pagkakaibigan namin.  He’s a good person,” pahayag ni Congressman Yul.
    
Ayon sa actor-politician, tatlo sa mga anak niya ay isa sa mga ninong si Piolo.
    
Ang kongresista ay isa sa mga original talents ng director-talent manager na si Direk Maryo J. de los Reyes na bumuo ng Production 56 na kinabibilangan din nina Nash Aguas, Ruru Madrid, Masculados at iba pa.
    
Bago naging kongresista si Yul ay tatlong term siyang naging konsehal sa isang distrito ng Maynila. Ayon sa kanya, malaki ang utang na loob niya sa kanyang discoverer-mentor na si Direk Maryo J. de los Reyes.