6,105

Vic at Coco magsasanib-puwersa sa MMFF?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 717
Vic  Sotto & Coco Martin Vic Sotto & Coco Martin

MAY balitang lumulutang ngayon na magsasanib-puwersa umano ang dalawang ‘giants’ na sina Vic ‘Bossing’ Sotto at Coco Martin sa isang powerhouse movie na nakatakdang ilahok sa darating na Metro Manila Film Festival. Pero tahimik ang dalawa, maging ang co-producers ni Bossing sa taunang MMFF na sina Boss Orly Ilacad (ng OctoArts Films) at Tony Tuviera (ng APT Entertainment).

Noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay nag-debut si Coco bilang director-producer sa movie remake ng pelikulang “Ang Panday” na pumangalawa sa MMFF at kumita ng almost P300-M sa takilya.

Kung matutuloy ang pagsasama nina Bossing at Coco sa pelikula, tiyak na ang pelikula ng dalawa ang makakalaban sa takilya ng reigning MMFF box office star na si Vice Ganda.

Nung nakaraang MMFF ay naintriga ang magkaibigang Vice Ganda at Coco dahil sa pagtatapat ng magkahiwalay nilang pelikula, ang “Gandarrappido! The Revenger Squad” na pinagsamahan nila nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach na dinirek ni Bb. Joyce Bernal at ang “Ang Panday” ni Coco Martin na siya rin mismo ang nagdirek at nag-produce.

Malalaman sa darating na June 15 kung tuloy ang pagsasananib-puwersa nina Bossing (Vic Sotto) at Coco Martin kapag nai-announce na ang apat na official script entries.

Sa darating na May 21 ang deadline ng submission ng scripts ng mga possible entries na sa pagkakaalam namin ay na-extend hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan.

Ang siyudad ng Parañaque ang magiging host ng 2018 Metro Manila Film Festival at doon din gaganapin ang Parade of Stars ng walong entries on December 23, 2018.

Ang Gabi ng Parangal ng 2018 MMFF ay gaganapin on December 27 at makakasama sa ipamimigay na award ay ang Audience Choice Award at Children’s Choice Award.

JOHN LLOYD MUKHANG WALA NANG BALAK BUMALIK

MAG-35 years old pa lamang si John Lloyd Cruz on June 24 pero mukhang wala na itong interest na balikan ang kanyang showbiz career magmula nang ito’y humingi ng ‘indefinite leave of absence’ sa kanyang home studio (ABS-CBN) early October nung nakaraang taon.

John Lloyd was in his teens nang siya’y magsimula sa showbiz. Una siyang napanood sa “ASAP” at sa now-defunct comedy show na “Palibhasa Lalake” in 1997 na sinundan ng TV drama series na “Sa Sandaling Kailangan Mo Ako” at ang youth-oriented show na “Gimik”. Pero nakilala nang husto si John Lloyd bilang isang mahusay na teen actor nang gawin niya ang pang-hapon TV series ng ABS-CBN, ang “Tabing-Ilog” (1999-2003) opposite Kaye Abad na tumagal sa ere sa loob ng apat ng taon.

At kung kelan isa nang established at box office actor at celebrity endorser si John Lloyd ay saka naman itong nag-desisyon na (pansamantalang) mag-quit sa showbiz para harapin ang kanyang personal na pribadong buhay kasama ang kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Na-burnout na ba si John Lloyd sa showbiz para talikuran niya ito nang biglaan?

Ang maagang pagre-retire (?) ni John Lloyd Cruz sa showbiz ay siya namang unti-unting pag-angat ng young actor and his look-alike na si Joshua Garcia who happens to be a good actor tulad ni JLC, Pero sabi nga ng karamihan, there will only be one John Lloyd Cruz.

Pero sa ngayon ay mukhang mas ini-enjoy ni John Lloyd at ng kanyang partner na si Ellen ang pribadong buhay na malayo sa showbiz.

MGA TAGA-SHOWBIZ NA NAHALAL SA ELEKSIYON

MULING nahalal na Kapitana ng kanilang barangay sa Malabon ang singer-actress na si Angelika de la Cruz. Nanalo ring bilang isa sa mga kagawad ng kanilang lugar ang kanyang nakababatang kapatid na si Erick de la Cruz.

Nanalo ring barangay captain o chairwoman ang misis ni Vandolph Quizon na isang konsehal sa isang distrito ng Parañaque na si Jenny Salimao-Quizon ng Tambo, Parañaque.

Siyam na taon o tatlong termino na naging konsehal ng Parañaque ang ina ni Vandolph na si Alma Moreno.

Ang isa naming kasamahan sa panulat na si Jimi Escala ay nanalong kagawad sa Brgy. Uno Dos Tres ng Tondo habang ang pamangkin niyang si Jhaycel Escala ay nanalong SK Chairperson.

Ang senior showbiz talent coordinator ng ABS-CBN na si Lydia ‘Tang’ Adriano, na matagal na naging staff ng yumaong Queen of Intrigues na si Inday Badiday (Lourdes Carvajal) ay nanalong barangay chairwoman ng Brgy. 284 Zone 74 in Quezon City.

PANGULONG DUTERTE DUMALAW SA BUROL NG AMA NI AGA

DUMATING si Pangulong Rodrigo Duterte last Monday sa unang araw ng wake ng namayapang si dating Senate President Edgardo Angara na nakaburol sa Heritage Memorial Chapel in Taguig City last Monday.

Nang malaman ni Pangulong Duterte na sa kabilang wing ng chapel lamang naka-burol ang ama ni Aga Muhlach na si Alvaro `Cheng’ Muhlach ay dumaan na rin ito para makiramay. Kasama ni Pangulong Duterte ang kanyang Special Assistant na si Christopher ‘Bong’ Go.

Natuwa si Aga at mga kapatid nitong sina Arlene, Albert, Aaron, AJ, Andrea at Andrew maging ang nakatatandang kapatid ni Cheng na si Alex Muhlach, anak nitong si Niño Muhlach, iba nilang mga kaanak sa pagdalaw ni Pangulong Duterte sa huling burol ng kanyang ama.