5,261 guests

Vhong, malabong mag-guest sa GMA-7

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 755
Vhong Navarro  & Lovi Poe Vhong Navarro & Lovi Poe

Pinayagan ng GMA-7 si Lovi Poe na mag-guest sa Tonight With Boy Abunda kagabi para mag-promote ng Woke Up Like This, ang Regal Entertainment movie nila ni Vhong Navarro na showing sa August 23.
    
Hindi halatang ninerbyos si Lovi sa Fast Talk segment sa show ni Boy Abunda.
    
Pati sa Magandang Buhay,  nag-guest din si Lovi at natuwa ang Kapamilya viewers na mapanood siya sa shows ng ABS-CBN.         
    
Si Vhong Navarro ang malabong mag-guest sa shows ng GMA-7 to promote the said movie.
    
Dinudumog ng maraming tao ang bawat mall show ng cast at umabot na sa milyun-milyon ang nag-like sa trailer.
    
Dito pa lang, alam nang susuportahan ang pelikula na unang pagtatambal nina Vhong at Lovi sa direction ni Joel Ferrer.

* * *

“Laging magka-holding hands” ang sagot ni Director Barry Gonzalez sa tanong ng press people sa presscon ng FanGirl/FanBoy kung kumusta sina Julian Trono at Ella Cruz sa shooting.
    
Idinagdag ni Direk Barry ang “walang label” dahil ’yun ang sagot ng magka-loveteam sa tanong kung ano ang label ng kanilang relasyon.
    
Napansin din ng mga reporter na kumportable sa isa’t isa sina Julian at Ella, very touchy sila, lalo na si Ella, na kung saan-saan humahawak kay Julian.
    
Pero kita namang walang romantic angle ang pagiging touchy nito, kaya keri na rin.
    
Showing simula September 6 ang Viva Films movie na may Korean drama/movie feel mula sa shots, music, acting, editing at lahat-lahat na.
    
May Korean stars pa nga kunwari sa cast, sina Yam Concepcion at Ronnie Liang, gumaganap na Korean stars na sina Soo Mi Young at Min Jun Park, respectively.
    
Sabi pa ni Direk Barry, hindi siya nahirapang paartehin sina Julian at Ella sa romantic scenes dahil kumportable na sa isa’t isa at matagal nang friends kaya may chemistry.
    
Ang ganda raw ng rehistro nila sa camera “sobrang mahal nila ang isa’t isa pero walang label.”

* * *

Isa sa three artists na mina-manage ng The IdeaFirst Company ay si Christian Bables. Kasama sina Cedrick Juan at Adrianna So, tutulungan sila nina Directors Jun Robles Lana at Perci Intalan na makakuha ng right project sa movies and television.
    
May mga talent ang tatlo plus looks, madali silang magkaka-project.
    
Gaya na lang ni Christian na first movie pa lang sa Regal Entertainment na I Love You To Death, kahit support lang ng mga bida, kinakitaan na ng husay sa pag-arte.
    
Sa Die Beautiful, kinilala ang husay ni Christian nang manalo ng acting awards.
    
Kasama siya sa John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo movie na Finally Found Someone at balik sa pagbibida sa pelikula ni Chito Roño.
    
Si Christian din ang bida sa TV series na Born Beautiful na mapapanood sa Cignal TV. Spin-off ito ng Die Beautiful, kaya muling gagampanan ang karakter ni Barbie.
    
May butt exposure si Christian sa movie ni Direk Chito, pero kung kakailanganin sa next projects niya ang frontal nudity, kanyang gagawin.
    
“Kailangan kong magpakita ng puwet dahil parang coming of age ang movie, may GF ako, last na naming pagkikita dahil papunta na ako ng Manila. Nag-do kami, bale first and last na pagdu-do namin ’yun,” kaswal na kwento ni Christian.
    
“Sabi ko nga, kung kailangan ng frontal nudity, gagawin ko, depende sa director at istorya. Siguro that’s how much I love my craft. Sobra ang passion ko sa acting, sobrang umaapaw. So, kung ano ang tunay na nangyayari sa buhay, willing akong gawin,” sabi ni Christian.

* * *

Parang gusto ng viewers na masaktan o pahirapan si Kris Bernal sa Impostora dahil ang daming nag-like nang i-post niya ang BTS sa taping ng afternoon soap ng GMA-7 na nginungudngod ang mukha niya sa ihawan.
    
Susunugin uli ang mukha ng hindi pa malaman kung ang Nimfa o Rosette karakter niya.
    
May pa-clue si Kris na baka magsuot na naman siya ng prosthetics dahil masusunog ang face. Ang hirap pa naman ng prosthetics na inilalagay sa mukha niya dati dahil two hours inaabot at mainit.
    
Pero kung dahil doon kaya nag-rate ang series, hindi tatanggi si Kris.
    
Samantala, pasasayahin nina Kris, Rita Daniela at Rafael Rosell ang viewers ng Impostora sa mall show ngayong Saturday, 5 p.m., sa SM City Trece Martires, Cavite.
    
Sa Sunday, Aug. 20, 3 p.m., silang tatlo pa rin ang may mall show sa Starmall San Jose Del Monte, Bulacan.