7,689

Uungkatin

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 424
Kris & Direk Olive Kris & Direk Olive

Dalawang bagsak ang pasabog ni Kris Aquino last Friday na parehong malakas ang putok. Una ang contract signing at storycon ng Star Ci-nema movie niyang I Love You, Hater with Joshua Garcia at Julia Barretto sa direction ni Giselle Andres na protégée ni Direk Olive Lamasan at ngayon ay managing director ng Star Cinema.

Sa June 13 na ang playdate ng movie.

Ang pangalawang pa-sabog ay ang pagkontra niya sa birthday greetings/post ni James Yap kay Bimby. Palaban si Kris dahil sinagot ang karamihang comments sa Instagram (IG).

“Bimb has been used too many times for sympathy -- and i’m no victim so i did what i was born to do -- i used my brain & i gave my truth. #gotcha #therealme #laban.”

May nagtanong kay Kris kung bakit wala silang naririnig kay Kris tungkol kay Phillip Salvador na wala rin daw effort na suportahan si Josh?

“Because he never got money from us & has kept a respectful distance. Because never n’ya kong siniraan sa interviews & nagpasalamat sya sa family ko for shouldering the responsibilities for Josh.

“Technically he could have asked for financial help if he proved being destitute, Josh under the law would need to give some financial aid (especially if hospitalized or evicted from a home)... si james nagpaawa when how can you be nakakaawa kung technically we were annulled based on article 35 & not 36 -- (pahihirapan kita -- mag research ka sa family code)... ’di ko ma take ’yung “I’m always here for you” because it’s just an absolute lie...

“Si Phillip tahimik so tahimik ako. Si James may pa post post pa -- so sinagot ko ng masakit na KATOTOHANAN... hamunin mo pa ko because ang dami ko pang bala. Kaya kong ungkatin from January 2007 onwards. TRY ME.”

Sa mga nagko-comment pa na baka ang isyu ay ang kawalan ng financial support ni James kay Bimby, ang sagot ni Kris, “it isn’t the money -- it is the HYPOCRISY #truth” at “it isn’t the money... it’s the FAKENESS.”

Inaabangan pala ang sagot ni James sa sunud-sunod na pasabog ni Kris sa kanya, as we go to press, tahimik si James.