5,952

Umamin!

  • Written by IFF
  • Published in Showbiz
  • Read: 439

Anne, dumaan sa matinding depresyon Perla araw- araw, gabi-gabi mag-accounting

NAGPAKATOTOO ang showbiz glam girl na si Anne Curtis nang aminin sa presscon ng AnneKulit (Promise, Last Na ‘To) anniversary concert na sa loob ng 21 years sa showbiz, maging siya, dumaan sa matinding depresyon.

Hindi nag-elaborate si Anne sa naging dahilan ng dinaanang stress at anxiety, pero inamin niya na may kinalaman ito sa bad press “while going through something very, very tough.”

“Feeling ko ayaw ko na humarap sa tao. It happened really, really bad,” pagbabalik-tanaw pa ng aktres na binansagang Pinoy pride dahil sa malaking tagumpay sa huli niyang pelikula, ang action thriller na Buy Bust ng Viva Films.

Payo ni Anne sa mga tulad niyang dumaan sa matinding depresyon, humingi ng tulong sa pamilya, mga kaibigan o doktor.

Maswerte raw siya na meron siyang perfect support system kaya naman nalagpasan niya ang pagsubok.

Dalawang buwan din daw siyang nag-stop sa social media at blinock ang lahat ng hindi makakatulong sa sitwasyon niya nu’ng mga panahong iyon.

Ang importante, dagdag niya, “is to not keep it to yourself. Seek help from family, friends and if you really need it, seek professional help.”

Sa ngayon, nakabawi na nga si Anne sa pinagdaanan at tuluy-tuloy ang pagbongga ng showbiz career niya.

Bukod sa magkakasunod na tagumpay ng mga pelikula niyang Sid & Aya at Buy Bust, handang-handa na siyang sumabak muli sa concert scene via AnneKulit... sa Smart Araneta Coliseum sa August 18, kung saan makikipagsabayan daw talaga siya sa guests niya na sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Aegis, Ex Battalion at James Reid.

As of this writing, sold out na ang VVIP tickets.

Huli na nga raw niya itong pagku-concert after Annebisyosa at Annekapal dahil gusto na niya mag-concentrate sa acting, hosting (ng It’s Showtime) at pagiging misis ng celebrity chef na si Erwan Heussaff.

Hatid ng Viva Live para sa benefit ng special projects ng Dream Machine Philippines, maaaring tumawag sa Ticketnet, 911-5555 o kaya’y sa Viva Live, 687-7236 para sa tickets.

* * *

TAGUMPAY ang katatapos na gala night ng pelikulang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, entry sa 2018 Cinemalaya, nu’ng Miyerkules kaya naman walang paglagyan ng tuwa ang veteran actors na bida sa pelikula, sina Menggie Cobarrubias, Dante Rivero at Perla Bautista.

Bukod sa maraming naka-relate, marami rin ang na-touch na sa mga edad nila, talagang nabigyan pa ng pagkakataong magbida ang tatlong senior actors sa ganu’ng klase ng proyekto.

Ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon ay kuwento ng mag-asawa na nagkahiwalay noong kabataan nila dahil babaero ang lalaki habang si babae naman ay nakatagpo ng bagong pag-ibig.

Pagkalipas ng mahabang panahon, nagkasakit si lalaki kaya kinailangan ni babae na bumalik para alagaan siya.

Natanong ang tatlong bida kung bakit nila ito tinanggap.

Ani Menggie, “Ikinuwento ko nga sa kanila (production) na ito ‘yung pelikula na kahit hindi ako bayaran ay gagawin ko. Maganda talaga, eh.

Paliwanag naman ni Perla, “Ako ay natutuwa na gumanap ako sa ganitong papel sa dahilang malapit na rin naman, dapithapon na ako, eh. Nasa dapithapon na ako.

“Ngayon, nagkakaroon ako ng pagkakataon na sagutin ‘yung iba kung paano ko hinihintay ang dapithapon ng buhay ko.

“Ito, sasabihin ko ang nangyayari sa buhay ko ngayon, nag-a-accounting ako, everyday and every night kapag matutulog na ako. Sa isang araw, may napasaya ka bang tao? Meron bang ngumiti dahil sa ‘yo?

“Pagkatapos, one good deed a day. Eh, kaming mga artista naman, nakakagawa naman, isine-share ko ito sa mga batang artista, masuwerte tayo na hindi lang one good deed a day ang nagagawa natin sa isang tao. ‘Yung fans ninyo napapasaya ninyo, magpapakuha ng litrato, tuwang-tuwa na magpapasalamat pa.

“Ngayon kaming mga matatandang artista, ‘pag matanda ka na sa personal kong experience, nalalagay ako sa sitwasyon na nagpapasalamat ako sa Diyos na ang pinaghahandaan ko ay ang pagharap sa Kanya.”

Ayon naman kay Dante, “Sa totoo lang, masakit nang konti kapag napag-uusapan ‘yung pagtanda ng isang tao. Ako, I’m taking it so lightly na gusto kong mag-enjoy with my family, gustung-gusto kong pumunta sa dagat with my sons, with my apo. So I try to enjoy my life up to now.”

Anyway, mapapanood pa rin ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon hanggang August 12 sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Bukod kina Perla, Menggie at Dante, kasama rin sa cast sina Romnick Sarmenta, Ryan Ronquillio, atbp.

Mula sa direksyon ni Carlo Catu at panulat ni JC Pacala, produced ito ng Cineko at CleverMinds Inc., kasama ng CMB Film Services at CG Post Production.