Tweet ni Vice tungkol sa ‘Lupang Hinirang’ bentang-benta sa netizens

September 23, 2018

Idinaan sa pagpapatawa ni Vice Ganda ang reaksyon niya sa mungkahi ni Senate President Tito Sotto na i-revise ang Lupang Hinirang.

Thumbnail
Vice Ganda

“Eh, kung palitan na lang ’yung last line ng national anthem ng ‘Ang matraffic ng dahil sa ’yo??!! Mas keri ba?” ang tweet ni Vice Ganda.

Bentang-benta sa netizens ang tweet na ito ni Vice at super-laugh talaga sila.

May mga nagpatawa rin at nagkomentong papayag daw ba ang Senador kung palitan ang Eat Bulaga ng Eat Showtime.

Needless to say, napakaraming against sa mungkahi ni Sen. Sotto na ang huling linya ng Lupang Hinirang na “ang mamatay ng dahil sa ’yo” ay palitan ng “ang ipaglaban ang kalayaan mo.”

Katakut-takot na pamba-bash ang inaabot ngayon ni Sen. Sotto at nag-tweet na rin siya ng kanyang sagot sa mga netizens na tumututol sa mungkahi niya.

“Maraming mahina intindimiento. Ayaw nyo? Hwag! But i will support Joey Ayala’s version of singing d Natnl Anthem. Tama pronunciation n intonation. D orig translation frm spanish to eng to Fil is d cause of d wrong cadence of words,” ang tweet ni Sen. Sotto.