TV networks, pasiklaban sa Undas

November 02, 2018

WALANG kadala-dala ang ilan nating kababayan sa pagdala ng ipinagbabawal na gamit sa sementeryo nu’ng Undas.

Ang nakakalokang news report, eh, ‘yung nahuling lalaki na may dalang marijuana, huh!

Sobrang ‘di nag-isip naman ang taong ‘yon na dumipensa pa na hindi naman daw niya ibebenta sa sementeryo ang bawal na bagay.

Tapos na nga ang panahong fiesta ang atmosphere sa mga sementeryo.

May mga nagdala ng pagkain pero ‘yung mag-videoke, uminom ng alak, magsugal at manigarilyo at mag-ingay, bawal na bawal na ngayon, huh!

Of course, hindi 100 per cent na agad masusunod ‘yan dahil sadyang madiskarte ang mga Pinoy.

May mga pasaway pa rin dahil ang kadalasang iniinspeksyon ang bag, eh, ‘yung walk-ins pero ‘yung may dalang sasakyan, may nailulusot pa ring mga bawal na bagay.

Anyway, ‘pag ganitong okasyon, pasiklaban din ang mga network sa coverage nila at isa sa mga kapuri-pui sa paghahatid ng balita nitong undas ay ang GMA-7.

Ilang araw nagkaroon ng live coverage ang Kapuso morning show na Unang Hirit mula October 31 hanggang kahapon, November 2.

Nakatalaga ang booth ng Serbisyong Totoo sa entrance ng North Cemetery sa Maynila at South Cemetery sa Makati City.

Naghandog sila ng libreng tubig, libreng charging ng cellphone, trash bags at name plates para sa mga bata at iba pang serbisyo para sa mga taong bumisita sa mga nakahimlay nilang mahal sa buhay.