Tsismis kina Maine at Arjo lumalakas

October 23, 2018
Maine Mendoza at Arjo Atayde
Maine Mendoza at Arjo Atayde

MAGMULA nang maging viral ang picture nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na kumain sa isang Makati restaurant ay hindi na namatay ang pagli-link sa dalawa. Naispatan din umano ang dalawa na magkasama sa isang lugar in Taguig over the weekend.

Ang alam ng marami ay may girlfriend si Arjo, ang GirlTrends member na si Sammie Rimando kaya nag-speculate ang marami na hiwalay na marahil ang dalawa. Lalo pang lumakas ang haka-haka ng marami nang mag-tweet ang nakababatang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde: “If a guy and a girl are both single, they should be able to date whoever they want and a genuine sign of support is if you let them, if your accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for.  Just my two cents”.

Hindi man pinangalanan ni Ria sina Maine at Arjo, marami ang naniniwala that she was referring to them para idepensa ang dalawa.

Sina Maine at Arjo ay kasama sa cast ng “Jack Em Popoy: The PulisCredibles” kung saan mga pangunahing bituin sina Vic Sotto, Coco Martin at Maine.  Ang nasabing pelikula ay isa sa walong official entries sa upcoming Metro Manila Film Festival at first time na nagkasama-sama sa pelikula sina Bossing (Vic) at Coco maging si Maine. Tahimik naman ang AlDub Nation sa mga naglalabasang isyu linking Maine to Arjo who belong to rival networks.