Top talent nilayasan ang manager of 20 years

October 25, 2018

BEING a talent manager myself, naka-relate ako sa nangyari sa isang kasamahan sa trabaho na isang talent manager na sobrang nasaktan sa pagkalas sa kanya ng (dating) talent na inalagaan niya sa loob ng 20 taon.  Kumbaga, ang relasyon ng talent manager at ng kanyang talent ay para nang pamilya o magkapatid.

Naka-bounce back ang talent  ng talent manager into doing lead roles matapos ng ilang taong paggawa nito ng supporting roles  sa ilang TV projects although he was already doing lead roles during his prime but he was given another lease on his career a couple of years  back na nagtuluy-tuloy hanggang ngayon.  Katunayan, isa ngayon ang nasabing talent sa mga in-demand leading men sa telebisyon at maging sa pelikula at nagkaroon din ito ng ilang product endorsements na ang ilan ay tumatakbo pa rin hanggang ngayon.

Totoong sobrang nasaktan ang talent manager dahil walang kaabug-abog ay basta na lamang siya ‘ibinasura’ ng kanyang talent of two decades.

Apektado man ngayon ang talent manager sa pagkawala ng kanyang prime talent, he knows in time ay makaka-move on din siya lalupa’t may iba pa naman siyang talents na dapat tutukan and hopefully, new talents to discover and manage.

Hindi rin dapat magpaka-senti ang talent manager na ito because talents come and go but the talent managers continue to discover and develop new talents.