Tony, hot item sa showbiz

November 10, 2018
Tony Labrusca
Tony Labrusca

Hot na hot si Tony Labrusca!

Matapos ang kanyang kakaibang papel bilang gymnast sa Double Twisting Double Back (a Cinema One Originals’ official entry), kung saan nagkamit siya ng una niyang best actor nomination, palabas naman ngayon sa mga sinehan ang debut film niyang ML kung saan kasama niya si Eddie Garcia.

Nauna nang ipinalabas ang ML sa Cinemalaya 2018 kung saan it emerged second highest grossing film. Mula ito sa panulat at direksyon ni Benedict Mique and it also won the Best Actor award for Eddie.

Dahil sa magandang script at sa pagkakataong makasama ang beteranong actor/filmmaker kaya tinanggap ng kampo ni Tony ang offer to do ML. Sino naman ang tatangging makasama ang isang multi-awarded actor?

“We liked the story and secondly, who would ever pass on a chance to work with Mr. Eddie Garcia,” sabi ng hottest male star of the moment.

Bago man siyang maituturing sa larangan ng showbiz pero matinding impact naman ang kanyang ipinakikita. Pero hindi naman sinasadyang magpapansin.

“Of course, we all enjoy the attention that I am getting but I don’t like that to affect my values. I don’t want to focus on the showbiz side. I want to lead my life as a normal person,” sambit pa ng all-too-sudden hot dude.

Sa kuwento ni Tony, wala raw siyang expectations nang tanggapin niya ang role sa ML, na magiging big hit ito at pag-uusapan ng mga tao.

Aniya, “It was really beyond my expectations. I just wanted to work and show the people the art that we had been making. I just hope that the people will like it.”

Pagkatapos ipakilala sa ML (showing pa ngayon) at gumanap sa Double Twisting Double Back, lalong umingay ang pangalan ni Tony dahil sa maiinit na tagpo sa Glorious with Angel Aquino. Said steamy love scene sets social media ablaze and will be streamed on iWant, a new streaming service by ABS-CBN.