7,503

Tinalo!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 2421

Marian, dinaig ni Zia sa paramihan ng views

Lovi, itinangging ka-live-in ang BF

Tinalo ni Zia ang inang si Marian Rivera sa paramihan ng views at likes sa photos na kuha ni Dingdong Dantes sa bakasyon nila sa Siargao. 

Ang picture ni Marian na naka-two-piece at kita ang abs, may 47,116 likes pa lang at ’yung nasa beach si Marian, may 53,124 likes pa lang.
    
Ang picture ni Zia na naka-swimsuit, naka-dekwatro at nasa swing, may 156,774 likes na and counting. Ang ganda ng pose ni Zia ay sinabayan ng caption ni Dingdong na “I think she likes it here.”
    
’Yung isa pang picture ni Zia na inihagis ni Dingdong at nasa pool sila, may 51,160 likes na.
    
Puro positive ang comments sa picture ni Zia na matagal pa niyang mababasa. O, baka hindi mabasa kundi ipabasa ng parents niya.
    
Pre-birthday getaway ni Marian ang bakasyon nila sa Siargao dahil birthday nito sa August 12.

* * *

Sabi ni Lovi Poe sa presscon ng Woke Up Like This   na “ang sarap na ’di naghuhubad at wala muna akong ginawang love scene.”
    
Pero nagpakita pa rin ng katawan si Lovi dahil nag-two-piece swimsuit siya at hindi masagot kung may kissing scene sila ni Vhong Navarro. Panoorin na lang daw ang Regal Entertainment movie na showing na sa August 23.
    
First time gumawa ng comedy ni Lovi at nag-enjoy siya, pero kinailangan muna nilang mag-usap ni Vhong para maging komportable siya sa kapareha na mahusay na komedyante.
    
Sa eksenang nagkapalit na sila ng katauhan, nagbantayan sila para i-check kung tama ang kilos na gagawin ng bawat isa.
    
Siyempre, kinumusta ng mga reporter ang boyfriend ni Lovi na si Chris Johnson, nganga lang ang press dahil hindi nagkwento si Lovi, private raw ang relasyon nila. Nag-react lang si Lovi sa tsikang live-in sila ng BF dahil may video itong nagluluto sa house niya na nakapambahay.
    
Sagot ni Lovi, madalas magluto sa house niya ang BF na naka-shorts at t-shirts, hindi ibig sabihin na live-in sila.         
    
“No way ang live-in sa akin, I’m super independent. I want to be in my own space, mabilis din akong magsawa.”
    
Nabanggit ni Lovi si Nadine Lustre at hanga siya sa pagiging real at pagiging honest nito sa indirect na pag-amin kung live-in sila ni James Reid.  
    
“I really admire her, she’s very real and honest,” sabi ni Lovi.

* * *

Ayaw tigilan ng bashers si Andrea Torres at mas active ang bashers nito mula nang malamang kasama pa rin siya sa cast ng Alyas Robin Hood 2. May mga pilit pa rin silang ginagawan ng isyu ni Dingdong Dantes kahit nalinaw na ng dalawa ang isyu.
    
Siyempre, may sariling version ang bashers kung bakit wala na sa Triple A si Andrea at ang GMA Artist Center na ang nagma-ma-nage sa kanya.
    
Sinusugod si Andrea sa Instagram (IG) at Twitter at kung anong kasamaan ang inaakusa. Bless Andrea sa hindi pagpatol at ang sagot sa isang basher ay “I’ll pray for you.”
    
Sa isang interview, inamin ni Andrea na nahirapan siya sa isyung nili-link siya kay Dingdong. Ang sabi nito “alam ko kung saan ako lulugar at itinutuloy ko lang ang ganun kasi wala naman akong narinig na puna sa mga boss ko o sa mga tao sa set.”
    
Anyway, sa August 14 na ang pilot ng Alyas Robin Hood 2 sa direction pa rin ni Dominic Zapata. Marami pang isyung haharapin si Andrea at laging puntirya ang pagiging boobsie ng aktres.

* * *

Nagkaroon ng thanksgiving party ang cast, creative staff at lahat ng involved sa  highest rating daytime program na Ika-6 Na Utos bilang pasasalamat sa pagod at puyat ng lahat. Umabot sa 10.7 percent ang rating ng show, pinakamataas na ito for an afternoon show.
    
Nakatanggap din ng commendation letter mula kay GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon ang buong team ng  Ika-6 Na Utos.
    
Part ng appeal ng soap ang kakaibang cat fight nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon, Sunshine at Angelika dela Cruz. Ang pinaka-latest ay nang ilublob ni Sunshine sina Angelika at Ryza sa aquarium, batuhan ng cake at i-xerox  ni Sunshine ang face ni Angelika.
    
May nadagdag pang viewers mula nang banggitin ni Kris Aquino sa Instagram (IG) na pinapanood niya sa iflix ang past episodes ng Ika-6 Na Utos. Ang dami pang hahabuling episode ni Kris bago siya umabot sa episode ngayon.

* * *

Alas Joaquin Abrenica ang ipinangalan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa first born nilang baby boy. Kwento ni Kylie, four days silang nag-labor bago isilang ang anak noong August 4, 10:31 p.m., na 7.5 pounds.
    
“Everything was worth it. I’m so proud of you,” post ni Kylie na sinundan ng isa pang post na “The two boys who own my heart” na caption sa picture nilang tatlo. Ang cute ng baby na nakatingin kay Aljur.