6,181

The best time for Sharon and Gabby to reunite

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 839
Gabby Concepcion and Sharon Cuneta Gabby Concepcion and Sharon Cuneta

WHAT Star Cinema failed to accomplish (na hindi naman nila kasalanan)  ay matagumpay na nagawa ng isang food chain. Ito ang reunion nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion for a TV chicken commercial. Needless to say ay marami ang nagdiwang at kinilig  sa pagsasama ng dalawa kahit ilang minute lang ito. Walang dudang nabitin ang libu-libo nilang followers na kung baga sa isang putahe ay  maituturing na patikim.

Wala nang dahilan para hindi matuloy ang balik-tambalan nina Sharon at Gabby on the big screen. Megang-mega pa rin ang hatak ng  dalawa lalo na si Sharon whose movie with Robin Padilla was a huge success.

Kaya sana ay hindi na masayang ang panahon, ’wag nang hintayin pang maging senior citizens  sina Sharon at Gabby para lang magkasamang muli sa pelikula.

Today is the best time to reward their fans who waited for so long to see them together even for the last time on screen.

Ang kanilang malakas na sigaw: NOW NA!

AHWEL'S LIFE STORY A REAL TEARJERKER

TUNAY namang nakaiiyak ang kwento ng buhay ng Showbuzz anchor na si Ahwel Paz na isinadula sa “Maalaala Mo Kaya” hosted by Charo Santos. Umikot ang istorya sa dinanas nilang kahirapan at sa relasyon sa kanyang amang nawalay sa kanila. Kulang ang isang oras upang isalaysay ang lahat lalo na sa problemang namagitan sa kanyang ama at ina.
    
Kung isasapelikula ang buhay ni Ahwel ay tiyak na isa itong certified tearjerker at big must ang pagdadala ng panyo.
    
Congratulations sa gumanap bilang Ahwel na si Francis Magundayao. Ang galing-galing niya. Sabi nga ni Jobert Sucaldito, kung dati ay hindi niya gustong umarte itong si Francis, ngayon ay paborito na niya ito. And surprisingly, may ibubuga pala sa acting ang former balladeer na si Richard Reynoso who played the father of Ahwel. It was not an award-winning performance but good enough for us.

THREE GONGS IN A ROW

ITIM ang kulay ng Valentine’s Day para sa tatlong singing contestants ng Tawag ng Tanghalan sa “It's Showtime”. One after another silang  na-gong at ipinaliwanag naman ng naging punong hurado na si Jaya kung bakit kinailangang gawin niya ito. Sa aming madalas na panonood ay ngayon lamang kami nakasaksi ng ganitong “kamalasan”. Sayang dahil the third kalahok could easily be the winner of the day (dahil wala na siyang kalaban) pero ang naging pagkakamali niya ay wrong choice of song na kahit sina Jaya at K Brosas ay aminadong hindi nila tatangkaing awitin.
    
We wonder kung nagkataong ang punong hurado ay si Rey Valera. Gawin din kaya niya ang ginawa ni Jaya?  At huwag pakasisihin si Jaya dahil  the rest of the judges ay  ganoon din ang desisyon.