Televiewers galit kay Janine

September 21, 2018

Ang daming galit sa karakter ni Janine Gutierrez na si Gwen Regalado sa Victor Magtanggol. Naiinis sa kanya ang viewers dahil galit kay Hammerman dahil sa nangyari sa lolo niya. Demanding pa, pero lagi naman daw nagpa-pasaklolo kay Ham-merman.

Pati si Victor (Alden Richards) ginugulo nito , ginagamit si Victor para makita si Hammerman. Kontrabida na ang tingin ng viewers kay Janine at hindi leading lady at nauungu-san na raw siya ni Andrea Torres.

Kaya kahit ang ibig sabihin nito magaling si Janine dahil nagagalit at naiinis sa kanya ang viewers, may pakiusap pa rin ang supporters nito sa writers ng Victor Mag-tanggol, ibalik daw sa dating ugali si Gwen na mabait, hindi unreasonable at hindi brat. Puro negative comments na kasi ang ibinabato sa aktres.

Sa ibang balita, masaya ang fans nina Janine at Rayver Cruz dahil mapapanood ang dalawa na magkasama. Guest co-host kasi ni Janine si Rayver sa isang episode ng Day Off. Sina Janine at Ken Chan ang hosts ng show na napapanood sa GMA News TV pero dahil may taping siguro si Ken, si Rayver ang pumalit sa kanya.

Parang hindi alam ni Janine na si Rayver ang makakasama niya sa taping dahil sa nakita naming photos, nagulat ito nang makita sa location si Rayver.