6,025

Teleserye ni Jennylyn, pinagdedebatehan

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 2341

Nagbabalik sa primetime block ng GMA-7 si Jennylyn Mercado sa The Cure bilang si Charity na asawa ni Tom Rodriguez. Balik din siya sa drama dahil ang last teleserye niyang My Love From The Star ay rom-com at adapted from a hit K-drama.

First time rin nilang magtatambal ni Tom at inunahan na ni Dennis Trillo ang mga magtatanong, hindi niya pagseselosan ang pagtatambal ng GF at kaibigan. The same way na hindi nagseselos si Jennylyn kay Lovi Poe na partner ni Dennis sa The One That Got Away.

Matatanong din tiyak si Jennylyn sa engaged issue sa kanila ni Dennis dahil sa suot na singsing sa pinost na picture nila ng aktor. May pahayag na ang aktor sa engagement issue, tingnan natin kung pareho ang sagot nila ni Jennylyn.

Samantala, hindi pa man airing dahil sa April 30 pa ang pilot kapalit ng Sherlock Jr.,  pinag-uusapan at pinagdedebatehan na ang The Cure. 

Nakakatuwa lang na marami rin ang nagtatanggol sa sinasabing first post-apocalyptic show on TV ito at hindi tungkol sa zombie. Sakit na Monkey Virus Disease (MVD) ang tema nito.

First teleserye rin ng GMA-7 ang The Cure  na gagamit ng canon C-300 camera at makikita ang kaibahan ng texture nito sa trailer pa lang.

* * *

Present sa launching ng Buhay Carinderia... Redefined sina DOT Sec. Wanda Teo, Cesar Montano, head ng Tourism and Promotions Board (TPB) at co-presentor ng  event; Linda Legaspi ng Marylindert International, proponent ng event; at Erwan Heussaff ang Am-bassador ng Buhay Carin-deria... Redefined.
    
Pinagkaguluhan si Erwan ng mga bisita sa launching. Kahit tapos na ang launching/presscon, hindi agad nakaalis sa Rizal Park Hotel sa dami ng nagpa-picture na may kasamang tanong sa asawang si Anne Curtis.
    
Nationwide event ang Buhay Carinderia... Redefined na magsisimula sa Northern Luzon at sa 15 provinces na sakop ng Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region at magtatapos sa Vigan Convention Center sa June 28 to 29.
    
Susunod sa Central Luzon, Bicol Region, the Visayas Region (Regions 6, 7 and 8) at last sa Mindanao Region (Regions 9, 10, 11, 12 and 13). Nine months aabutin ang Buhay Carin-deria...Redefined na magtatapos kundi November ay December.

* * *

Magkasunod ang showing ng dalawang movies ng Regal Entertainment, kaya sabay na pinu-promote. Mauuna ang showing ng My 2 Mommies sa May 9 at susunod ang showing ng So Connected sa May 23.
    
Mother’s Day presentation ng Regal ang My 2 Mommies sa direction ni Eric Quizon, tampok sina Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff ang child actor na si Marcus Cabais, Dianne Medina, Joem Bascon at Maricel Soriano bilang si Tita Baby.
    
Nabasa namin ang post ni Eric patungkol kay Maricel at sabi nito, “I would like to personally thank Maricel Soriano for being part of My 2 Mommies! She did this for her love of Mother Lily whom we all consider our mother. By the way, she is hilarious in this movie.”
    
Bida naman sa So Connected sina Jameson Blake at Janella Salvador sa direction ni Jason Paul Laxamana. Ang trailer ng movie ay ilu-launch sa April 18 sa Youtube Channel ng Regal Entertainment.  

* * *

Pang matinee idol ang dating ng GMA Artist Center at Kapuso actor na si Migo Adecer. He has the looks, the height, marunong umarte, marunong kumanta, may konting angas at higit sa lahat, marunong sumagot sa mga tanong. Makikinig ka when he talks dahil may sense si bagets.
    
Napapanood si Migo sa The One That Got Away bilang si Sam, brother ni Zoe (Rhian Ramos) at ka-loveteam si Kelly Day as Toni. Natutuwa ang viewers ’pag sila ang magkakaeksena para raw silang nanonood ng TV series dahil mga Inglesero ang tatlo. Idagdag pa si Ivan Dorschner sa kanila.
    
Manghihinayang ang fans ni Migo dahil wala siyang masyadong topless scene sa TOTGA, eh, willing naman itong maghubad at may katawan naman.
    
“I am comfortable baring. I can even go naked at I can show my butt cheek, kaya ko. I’m not conscious with my body. Gagawin ko ’yun kung maganda ang project. Pero ’pag 25 na ako. I’m only 18 years old,” pahayag ni Migo.
    
May seven years pang ipaghihintay ang fans ni Migo to see his body sa ngayon, magpapakilig muna siya at sila ni Kelly sa TOTGA na tuloy pa ring mapapanood.

Anyway, ang song ni Migo na Suntok sa Buwan pala ang theme song ng Korean novela na Bride of the Water God. Natutuwa ang young actor na napili ang song niya na theme song dahil maririnig ang song niya Monday to Thursday.