5,123 guests

Tampo ni Direk Joey sa Regal, ‘very personal’

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 452

Sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted kahapon ay hindi naiwasang tanungin ang direktor na si Jose Javier Reyes kung feeling betrayed pa rin siya.

Kaugnay ito ng Facebook post niya a few days ago na “betrayed,” pero wala namang pinatutungkulan kung sino o ano.

Ayon sa balitang umiikot sa showbiz, tila masama ang loob ni Direk Joey kay Mother Lily Monteverde ng Regal Films dahil diumano  ibinigay nito ang playdate na Nov. 1 sa Star Cinema para sa pelikulang Ghost Bride ni Direk Chito Roño starring Kim Chiu and Matteo Guidicelli.

Makakasabay tuloy nito ang Spirit of the Glass 2 sa naturang playdate.

Diumano, originally ay This Time I’ll Be Sweeter ng Regal Entertainment, starring Ken Chan and Barbie Forteza, ang ipalalabas sa Nov. 1.
    
Pero dahil nakiusap daw ang Star Cinema sa mag-inang Lily at Roselle Monteverde, inurong na lang nila ang showing ng naturang pelikula sa Nov. 8 kaya pumasok ang Ghost Bride.
    
May konting kaibahan lang ang alam na kwento ng iba. Sabay-sabay dapat ang tatlong pelikula sa nasabing playdate, pero dahil nga parehong horror ang dalawang kasabay nila, nag-decide ang Regal na mag-give way na lang sa Octo at Star Cinema.
    
“That’s very personal,” ani Direk Joey sa tanong, “but then, this is work. I have come to accept that there is a difference between the personal and the professional. And there are certain things which, as a director, is beyond my control and not within the realm of my decision.
    
“Siguro at this point, let’s just say, let’s just work and let’s just work for a very good time for Filipino movies. I’ll be the first to say (that) on November 1st, we are going to have a screamfest of two horror movies, Spirit of the Glass 2 from OctoArts and Ghost Bride from Star Cinema.”
    
Nagbiro pa si Direk Joey na bilang suporta sa Ghost Bride, mayroon din silang “ghost bride” sa presscon.
    
Totoo naman dahil mayroon talagang nakatayo kahapon sa dulo ng presidential table na isang babaing nakasuot pang-kasal na pang-epek, kumbaga.
    
“So, let’s all work for a good audience on Filipino cinema. Let’s remain positive and the personal has really got nothing to do when it comes to the world of professionals. There are lessons learned and there are wisdom to be acquired,” pahayag ni Direk Joey.
    
Ang Spirit of the Glass 2: The Haunted ay pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Maxine Medina, Ashley Ortega, Enrico Cuenca at Ahron Villaflor.