‘Strict’

October 06, 2018
Marian Rivera
Marian Rivera

BEHAVE si Marian Rivera habang nasa eroplano papuntang Los Angeles, California. Sa Instagram story niya, may kuha sila ni Dingdong (Dantes) na nilagyan niya ng caption na, “My bodyguard! Strict!”

Biglaan ang naging pagsama ni Dong kay Yan sa biyahe dahil hindi naman siya kasama sa GMA Pinoy TV Paskuhan concert ngayong araw na ito sa Anaheim, California. Eh, lumutang na buntis ang reyna kaya ang asawa na rin niya ang nagdesisyong samahan siya, huh!

Kahit walang buwis-buhay na gagawin si Yan sa production number nila ni Ai-Ai (delas Alas), nagpasya pa rin ang asawa niya na samahan siya para alalayan at i-guide sa lakad dahil sa kalagayan niya.

Hindi na rin isinama ng mag-asawa ang anak nilang si Zia dahil nag-aaral ang bata at baka mahirapan pa sa biyahe at sa jetlag na mararamdaman sa maikling pananatili nila sa Tate.