Sophie, kabit na kikay

November 01, 2018
Sophie Albert

UNFORGETTABLE ang unang taping day ni Sophie Albert sa Kapuso series niyang Pamilya Roces. Agad kasi siyang isinabak sa eksenang halikan at landian sa leading man niyang si Rocco Nacino.

“First time ko to meet Rocco that day and ’yun agad ang scene namin, doing dirty stuff in the car. In fairness naman kay Rocco, before we did our scene, he would come up to me and make conversation, which I really appreciated. Naging comfortable kami sa scene,” pahayag ni Sophie.

Hindi ba nagalit ang boyfried niyang si Vin Abrenica sa character niyang mang-aagaw ng asawa at may sexy scenes pa?

“No, never. Vin is my number one supporter. He is always the one who pushes me and reminds me to always do my best. He knows naman na work is work,” rason ng Kapuso actress.

Sexy ba sa kanya si Rocco?

“Yes. I can see he’s confident and very comfortable with himself,” tugon niya.

Eh, dahil pasabog ang bawat eksena ni Sophie sa series to the point na halos talbugan na niya ang ibang female leads, tinutukso na siyang kabit na kikay, huh!