6,423

Sofia musika ang ginamit para maka-move on sa trahedya

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 402
Sofia Romualdez Sofia Romualdez

LABINTATLONG taong gulang pa lamang si Sofia Gonzalez Romualdez nang maranasan niya ang ngitngit ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.

Walang piniling biktima ang bagyong Yolanda, mahirap man o mayaman. Dahil sa storm surge, kinailangan ni Sofia at nakababata niyang kapatid na si Diana, kasama ang mom niyang si Cristina Gonzalez Romualdez na umakyat sa kisame ng kanilang bahay sa Tacloban. Pero dahil sa isang malakas na salpok ng malaking alon, nawala si Sofia at naanod ng tubig palayo sa kanyang kapatid at ina.

Nang mga sandaling 'yon, abala naman ang padre de pamilya na si Mayor Alfred Romualdez sa pagtulong sa kanilang mga mamamayan.

Nang malaman ni Mayor Alfred ang nangyari kay Sofia, agad siyang nagtanong-tanong kung may nakakita sa kanyang panganay. Dalawang oras na palang nakakapit si Sofia sa isang kahoy at doon siya natagpuan ng ama.

Ayaw na sanang maalaala pa ni Mayor Alfred ang pangyayaring iyon pero hindi niya maiwasang ikuwento ang pagpapakita ng katatagan ng anak. Labis ang kanyang pasasalamat sa Panginoon dahil marunong lumangoy ang anak kaya’t nailigtas nito ang sarili.

Ang mga pangyayaring tulad nito ang nagpapaalala kay Alfred na may misyon pa siya at ang kanyang pamilya sa kanyang bayan, kung kaya’t patuloy silang tutulong sa Tacloban.

Eighteen years old na ngayon si Sofia at ang hilig nito sa musika ay itinuturing din niyang isa sa mga bagay na magagamit upang maka-move on sa mga trahedya. Kung dati ay pansarili lamang ni Sofia ang kanyang musika, naisip niya na makatutulong ito bilang therapy sa mga pagkakataong may trahedya tulad ng bagyong Yolanda.

Ito ang dahilan kung bakit sa wakas, hindi na tumanggi si Sofia na i-share ang kanyang talent. Bilang panimula, pumirma siya ng dalawang taong kontrata sa Viva Records.

Sa launching ng kanyang musical career na ginanap sa Manila Polo Club kamakailan lang, inawit ni Sofia ang “Thinkin' Of U” at “Pikit Mata” na sarili niyang compositions. Sinundan niya ito ng ilan pa sa saliw ng I Love Tacloban Band na itinatag ng kanyang amang si Mayor Alfred.

Hindi rin kami magtataka kung pasukin din ni Sofia ang pag-arte. She has all the potentials of a movie star like her mom, Cristina Gonzalez. But right now, naka-focus ang kanyang attention sa kanyang musika. So let's hear it from Sofia.

BONG NAG-COMPOSE NG MGA AWITIN PARA KAY LANI

SA panahon ngayon na pamahal nang pamahal ang panonood ng sine, tamang-tama ang handog ni Mayor Lani Mercado-Revilla ng Bacoor, Cavite sa kanyang constituents. Isang libreng palabas sa kanyang golden birthday celebration ang ginanap sa Cavite Coliseum noong Biyernes.

Imagine, naroon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na totoong bonggang-bongga ang performances kahit may dinaramdam siya noon.

Mangiyak-ngiyak din ang mga tao sa malaking sorpresa ni former senator Bong Revilla sa kanyang butihing misis. Marami palang na-compose na awitin si Bong para kay Lani at ibinulalas niya ang pagmamahal niya sa asawa nang gabing 'yun.

Hula ng kanyang mga kaibigan, isang buong album ang na-compose ni Bong.

On the part of Mayor Lani, nagpapayat din siya para magmukha siyang sexy para kay Bong. Pinapanood niya rin kasi sa mister niya ang ipinakita niyang video recording kinabukasan. Hanggang ngayon kasi ay nakakulong pa rin si Bong sa PNP Custodial Center at umaasang isang araw, makakasama rin siya physically sa mahahalagang okasyong tulad nito.

KC MAY IBANG KINAHUHUMALINGAN

KAKAIBA ang negosyong pinasukan ni KC Concepcion. She’s into making expensive jewelry. Matagal-tagal din niyang pinag-aralan ang paggawa ng mga kakaibang style na singsing at bracelets.

Naging inspirasyon ni KC ang kanyang Mamita (Lola) na likas ang hilig sa mamahaling mga alahas. Maging ang kanyang mom na si Sharon Cuneta ay nakapag-regalo rin sa kanya ng mga mamahaling alahas, kung kaya’t inspirasyon din niya ito.

Mukhang matatagalan bago bumalik sa showbiz si KC.

“This is really what I want to do,” aniya. At totoong one of a kind ang samples niya.

Good luck KC.