6,052 guests

Sofia at Janella, pambato ng Regal sa 2018

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 706

DALAWANG movies pala agad, ayon kay Mother Lily Monteverde, ang iri-release ng kanyang production
company, Regal Entertainment, within the next two months.

Mauuna rito ang Mama’s Girl, launching movie ni Sofia Andres, who is assigned the title role
as well.

Playing Sofia’s mom is Sylvia Sanchez, herself once a Regal Baby.
    
Yes, it was Mother Lily who discovered Sylvia for showbiz.
    
Directed by Connie Macatuno, Mama’s Girl also stars Diego Loyzaga.
    
Ang next movie na kanilang iri-release, ayon naman kay Roselle Monteverde, second daughter ni
Mother Lily at siyang direktang nagpapalakad sa Regal Entertainment ngayon, ay isang starrer ni
Janella Salvador.
    
By the way, congrats nga pala kina Mother Lily at Roselle dahil isa sa mga itinuturing na top
grossers sa  2017 Metro Manila Filmfest (MMFF) ang kanilang entry, Haunted Forest.
    
Directed by Ian Loreños, Haunted Forest stars Raymart Santiago, Maris Racal, Jane Oineza,
Jameson Blake and Jon Lucas.

* * *

Speaking of Janella, whatever problem she has with her mom, former Miss Saigon cast member Jenine
Desiderio, she should resolve, pronto.
    
Hindi ganyan na in print ay nababasa, kundi man napapakinggan sa radio at tv, ang wari mo’y
sobrang hinanakit ng kanyang ina sa kanya.
    
Ang balita, bumukod na raw si Janella matapos ang sigalot sa ina.
    
Para sa mga hindi nakakaalam, Janella just turned 18 years old.

* * *

Si Enchong Dee pala ang gaganap na leading man ni Erich Gonzales sa bagong series niya na The Blood
Sisters, kung saan she plays three characters.
    
Si Enchong ang gumanap na boyfriend ni Erich sa much-talked about MMFF 2017 entry, Siargao,
which Paul Soriano directed and produced for Ten17 Productions.
    
Also in Siargao are Jericho Rosales and Jasmine Curtis Smith, who grabbed the best supporting
actress award for her performance in the movie.

* * *

SI Erich, has adapted an ultra-sexy image for herself via Siargao.
    
She looked very much in her element wearing skimpy bikinis in most scenes.
    
Siya tuloy ang nahirang na pinakabagong calendar girl ng isang kilalang liquor brand.