5,824

Sofia at Diego iisa ng nararamdaman

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 722
Sofia Andres Sofia Andres

PAREHO ng nararamdaman sina Sofia Andres at Diego Loyzaga ngayong ipalalabas na ang pelikulang “Mama’s Girl” sa Jan. 17.

“Kinakabahan at nai-excite,” ani Sofia. “Parang ganito rin ang feeling namin ni Diego noong nakaraang taon, when we started taping for 'Pusong Ligaw' para sa Dreamscape Production. Akala namin, hindi na darating ang chance na magbibida kami sa isang project. Ang tagal naming naghintay. But it came. At umabot pa kami ng halos isang taon sa ere,” aniyang maluha-luha.

On Diego’s part, marami siyang natutunan sa halos isang taong pagte-taping nila ng seryeng naging dahilan kung bakit binigyan sila ng Regal Entertainment ng first starring role sa “Mama’s Girl.”

“Hindi ko rin akalain na makapagbubuhos ako ng iba't ibang emotions sa serye. Napakalaki ng tulong noon para sa paggawa namin ng first movie sa Regal. I can say na malaking tulong din si direk Connie Macatuno dahil may kakaibang approach sa acting ang ibinigay  niya sa amin this time. Mas seryoso kami at ito ang dahilan kung bakit masayang-masaya kami tuwing nanunood ng rushes.

Nag-mature kami nang husto at naging concerned sa aming career.

“Lalo kong minahal si Sofia at naramdaman kong

hindi ko na siya pakakawalan pa,” patuloy ni Diego.
                        
JAMESON LAMANG NA KAY RONNIE

HINDI nagpaiwan si Jameson Blake na siyang third party sa relasyon nina Sofia at Diego. Malaking sorpresa ang ipinakita niyang acting sa “Haunted Forest” na Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment na nakipaglaban sa mga higanteng pelikula nina Vice  Ganda, Coco Martin, Vic Sotto at Dawn Zulueta.
    
Hindi lang nagkasunud-sunod ang kanyang mga pelikula. Aaminin naman siguro ng kasamahan sa Hashtags na si Ronnie Alonte na mas nakalamang sa kanya si Jameson Blake as far as movie projects are concerned, ganun din sa teleseryes ng ABS-CBN.

JOROSS IBANG-IBA NA

IBANG-IBA na si Joross Gamboa ngayon. Nang makasalubong namin siya sa hall ng ABS-CBN before the start of the big presscon ng pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes.”
    
“Tinitiyak ko na hindi ako nangungupit sa asawa ko dahil siya na ang nagbibilang ng lahat-lahat ng kinikita ko,” pabirong wika ni Joross nang tanungin namin kung magkano na ang worth niya ngayon.
    
Surprisingly, kagalang-galang na ang dating Joross na akala’y big joke lang siya sa showbiz via Pinoy Big Brother noon.
    
Dati kasi, forever comedian na lang ang inakala naming magiging ambag niya sa industriya. Pero ngayon, pagkatapos naming mapanood ang pelikula niyang “Deadma Walking” with Edgar Allan Guzman (nagbayad pa kami dahil nakalimutan kong dalhin ang MMFF pass namin), we can say he's seriously taking his career as an actor. And it was worth paying for.
    
At ngayon, sa bagong project niyang Ang Dalawang Mrs. Reyes, si Judy Ann Santos (lang naman) ang gumaganap bilang misis ni Joross.  Ayon kay Juday,  he's a very serious actor.
    
Pinag-uusapan din ang ginagawa ni Joross ang “La Luna Sangre” kung saan hinahangaan din siya bilang seryosong aktor.
    
Buti na lang at si JC de Vera ang significant other na naka-eksena ni Joross sa pelikulang dinirek ni Jun Lana.
    
Otherwise, baka lamunin lang niya ito. Gayunman, tiyak na pag-uusapan na naman si Joross sa pelikulang ito kung saan kasama rin nila si Angelica Panganiban.
                      
LUIS PATULOY NA NAGBIBIGAY NG TULONG

MULING sinaluduhan si Luis Manzano sa hindi inaasahang paghahandog niya ng tulong sa isang contestant ng “I Can See Your Voice” noong first weekend of the year.
    
Tinanong niya agad ang isang contestant pagkatapos mapaiyak kung bakit ito sumali sa napakasayang programa.
    
“Nagpunta po ako sa Maynila para maghanap ng trabaho. Hirap na hirap po ako sa amin at nagbaka-sakali po akong makahanap ng mas mabuting suwerte dito sa Manila. Pangarap ko po kasing makapag-aral para maging seaman. Pero mukhang mabibigo ako dahil hanggang ngayon ay hirap na hirap din po akong mabuhay dito sa Maynila."
    
Naalala agad ni Luis ang isa niyang kaibigan na may-ari ng isang school for seamen.
    
“Ire-rekomenda kita sa kaibigan ko at pag-aaralin kita para matupad ang pangarap mong maging seaman. It’s a 4-year course, at gusto kong matupad ang pangarap mo," sabi ni Luis sa naturang contestant.
    
Muling napaiyak ang contestant. My kumpare Edu Manzano must be very proud of son Luis and Madam Vilma Santos, as well.