5,481 guests

Sinibak!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 533

Pagkatsugi sa pwesto ng ama ni Liza, balot ng kontrobersiya

SINIBAK na si Martin Diño, father ni Liza Diño, FDCP chairman, sa kanyang posisyon sa Subic Bay
Metropolitan Authority (SBMA) bilang chairman. Inanunsyo ito sa mga report kahapon. Pumalit sa puwesto
niya si Wilma Eisma bilang bagong chairperson.

Taong 2016 nang ma-appoint si Diño sa SBMA. Tumakbo siya bilang presidente sa nasabi
ring taon pero na-withdraw kaya ginawang substitute candidate si President Digong Duterte ng PDP-Laban.             
Wala pang katiyakan kung saang puwesto itatalaga si Martin.
    
Unlike Liza na pawang papuri ang natatanggap dahil sa pagpapaunlad ng pelikulang Pilipino at
workers dito, batbat ng kontrobersiya ang naging pag-upo ng ama sa SBMA base sa naglabasang reports.
    
As of presstime, wala pang reaksyon si Liza tungkol dito dahil nasa San Sebastian Film Festival
siya sa Spain.

* * *

KUMAWALA si Maine Mendoza sa kanyang day to day living bilang member ng Eat Bulaga Dabarkads at  
bumiyahe sa Biliran, Leyte, bilang EB Tourism Ambassadress kaugnay ng beauty and talent search na Miss
Millennial Philippines 2017.
    
Awra-awra siya sa dagat ng Sambawan Island and then, pumunta sila sa Sohoton Cave. Sa biyahe
nila patungo roon, nabalahaw sa putikan ang sinakyang dump truck kaya napilitan silang bumaba.
    
Umangkas sa motor si Meng para makarating sa kuweba na super dilim kapag walang ilaw.
    
Ang kuwento ni Maine ay documented sa kanyang Instagram stories na magiging bahagi ng grand
coronation ng Miss Millennial ngayong Sabado, Setyembre 30, sa SM Mall of Asia Arena.
    
Anyway, sa nagtatanong na fans ng Phenomenal Star kung kelan siya muling mapapanood sa primetime
programs ng GMA, ibinalita ng manager niyang si Rams David na ’wag mag-alala dahil mapapanood si Maine
sa ibang Kapuso shows ’pag kaya ng schedule.

* * *

MANGANGABOG sa 2018 ang bagong film at event producer na si Mica Tan sa pagtatayo niya ng MFT
Entertainment, isa sa mga dibisyon ng MFT Group of Companies kung saan siya ang chairman at CEO.
    
Dalawang kumpanya ang magiging sangay ng MFT Entertainment, ang Next Film at Live Next.
    
Sasabak sa film production ang Next Film habang ang Live Next naman ay magdadala ng world’s most
popular stars na hindi pa napanood sa atin.
    
Naniniwala si Mica na malaki ang potensyal ng local films natin at nais niyang matulad ito sa
sikat ngayong Korean, Chinese at Thai movies.
    
“We believe that with Next Film, we will be able to create relevance and hopefully command
respect in the film industry,” pahayag ni Mica sa media na dumalo sa junket sa Park Hyatt Bangkok,
Thailand, last weekend.
    
Fan ng horror film si Mica, pero sa initial offering ng Next Film, malaking movie agad ang
pinaghahandaan niya para sa 2018.