6,288

Singer-actress, naloko na nasunugan pa

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 802
Janna Victoria Janna Victoria

HANGGANG ngayon ay traumatized pa rin ang singer-actress na si Janna Victoria at ang kanyang ten-year-old daughter na si Jordana Brielle matapos matupok ang kanilang rented townhouse in Valle Verde 6 nung madaling araw (2:30 a.m.), February 9, araw ng Biyernes na nagsimula sa attic ng kanilang kapitbahay.  Nagising si Janna dahil sa amoy ng nasusunog at agad niyang ginising ang anak pati mga kapitbahay.  Forty minutes later ay saka dumating ang unang bumbero at wala halos na-save sa mga kagamitan si Janna except for the laptop, cellphone at ang kanilang sasakyan.  Walang nagawa si Janna at mga kapitbahay niya kundi ang panoorin na lamang ang paglamon ng apoy sa apat na magkakadikit na townhouses.

Kasalukuyang nakikitira si Janna at anak nito sa isang kaibigan and she will definitely start from scratch.

Ang strong faith ni Janna sa Diyos ang patuloy na nagpapalakas ng kanyang loob lalupa’t hindi pa siya gaanong nakaka-recover sa pagkawala ng kanyang ina nung nakaraang Oktubre.  Ulila nang lubos si Janna.

Patuloy na hinaharap ni Janna ang maraming pagsubok na dumarating sa kanyang buhay. Bago sa sunog, naloko siya ng isang babaeng itinuring niyang kaibigan ng napakalaking halaga. Ito ang dahilan kung bakit may hinaharap siyang kaso na hindi naman siya ang may kagagawan.  Pero sa halip na mawalan ng pag-asa ay patuloy siyang kumakapit sa Diyos at naniniwala na ito’y malalagpasan din niya.

Nakikiusap si Janna na sana’y makakuha siya ng regular acting job nang makapagsimula siyang muli at ang kanyang anak na si Jordana na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag-move on sa maagang pagkawala ng kanyang (maternal) lola.
    
Si Janna ay hiwalay na sa ama ng kanyang anak na si Joseph Flores, pinsan ng actor-politician na si Robert Ortega at pamangkin ng TV producer-director na si Kitchie Benedicto.
    
In fairness naman daw sa ama ni Jordana na si Joseph ay hindi umano ito nagpapabaya dahil ito umano ang sumasagot sa pag-aaral ng bata.

IAN MAY BAGONG TRABAHO

HINDI ikinakaila ng biological son ng estranged couple na sina Christopher de Leon at Nora Aunor na si Ian de Leon na matagal din siyang naghintay ng isang magandang project pagkatapos ng kanyang huling guest appearance sa top-rating ang long running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Maalaala Mo Kaya.” Kasama siya sa bagong afternoon TV series na “Blood Sisters” na nagsimula sa ere last February 12. Tinatampukan ito nina Erich Gonzales, Ejay Falcon, Enchong Dee at Aj Muhlach mula sa magkatulong na direksiyon nina Jojo Saguin at Roderick Lindayag.
    
Thankful si Ian sa Dreamscape Entertainment Television na pinamumunuan ni Deo Endrinal for considering him to be part of another exciting TV series na naging kapalit ng nagtapos na hit action-drama series na “Wildflower” na tinampukan ni Maja Salvador.
    
Ian plays the role of Greg Solomon na leader ng isang sindikato.
    
Ian is now married to his non-showbiz longtime partner na si Jennifer Orcine at meron na silang more than two-year-old son na si Jaden.
    
Natutuwa rin si Ian na patuloy ang pagiging aktibo sa kanilang respective career ng kanyang dalawang kapatid na sina Lotlot at Matet de Leon.

CARLO GUSTONG BALIKAN SI ANGELICA

MARAMING fans ang kinikilig nang alukin ng actor na si Carlo Aquino ang kanyang ex-girflriend na si Angelica Panganiban for a dinner date matapos niya itong padalhan ng bouquet of white roses nung Valentine’s Day.
    
Paniwala ng marami na malaki umano ang chance ni Carlo na ma-win back ang kanyang dating kasintahan (of six years) when they were still in their teens. Napanatili ng dalawa ang kanilang pagiging magkaibigan sa kabila ng kanilang break-up.
    
Parehong sanay  sina Angelica at Carlo sa mahabang relasyon dahil umabot ng matagal ang naging relasyon nina Angelica at previous boyfriends niyang sina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz ng maraming taon ganundin si Carlo sa ex-girlfriend niyang si Kristine Nieto na umabot din ng anim na taon.
    
Sakaling magkabalikan sina Angelica at Carlo, tiyak na sa simbahan na ang tuloy nito dahil pareho na silang of age to start a family of their own.
    
Angelica is 31 at 32 naman si Carlo.

WILL BABALIK NA SA 'PINAS

VINDICATED ang mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa pag-post nito sa kanyang Instagram account last September 2017 na `couple’ na ang ex-PBB housemate and vlogger na  Will Dasovich at ang popular cosplayer at TV personality na si Alodia Gosiengfiao. Ito ay matapos umamin sa kanyang video blog ang cancer-free na ngayong si Will last February 13 na girlfriend nga niya si Alodia.  Bago pa man na-diagnose si Will ng kanyang sakit na colon cancer in August last year ay magkasintahan na sila ni Alodia na ilang beses na lumipad patungong Amerika para damayan ang ka-sintahang may sakit.
    
Ngayong cancer-free na si Will ay balak umano nitong bumalik ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang naudlot na career.

GRETCHEN AT ATOM MAY ONLINE 'ROMANCE'?

MARAMING celebrity couples ang nagkakilala online at ilan sa kanila ay ang estranged couple na ngayon na sina Angel Locsin at Phil Younghusband maging sina Sam Milby at ex-girlfriend nitong si Marie Jasmine.  Sa online din nagsimula ang relasyon ngayon ni Daniel Matsunaga sa kanyang  Polish model girlfriend na si Karolina Pisarek.
    
Marami ang curious ngayon kung mauuwi sa totoong relasyon ang  sagutan sa kanilang respective tweeter accounts ng ex-girlfriend ni Robi Domingo, ang TV host na si Gretchen Ho at Kapuso journalist-documentarist-TV host na si Atom Araullo.
    
Sina Gretchen at Atom ay parehong unattach ngayon.
    
(Mukhang si Gretchen lang ang unattach dahil balitang ang rumored GF ni Atom ay ang Kapamilya news anchor-reporter na si Zen Hernandez.--Ed.)

JOSHUA NAG-EFFORT SA VALENTINE DATE WITH JULIA

SOBRANG creative at ma-effort ang young actor na si Joshua Garcia para ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang ka-loveteam at rumored girlfriend na ngayong si Julia Barretto.
    
Kaya lalo itong napapamahal sa dalaga ng estranged couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.
    
Isa itong exclusive pre-Valentine candlelit dinner na lalong ikinataba ng puso ng huli.
    

Although wala pang opisyal na pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon, what people see in them ay isa nang kumpirmasyon ng kanilang relasyon na nagsmimula nang sila’y magtambal sa 2016 MMFF  Star Cinema hit movie na  “Vince & Kath & James” na sinundan ng isa pang hit movie nung nakaraang taon, ang “Love You to the Stars and Back”.
    
Looking forward ang mga fans  na magtambal ang dalawa sa isang teleserye na magiging posible lamang kapag tapos nang gawin ni Joshua ang hit primetime TV series na “The Good Son”.  Si Julia naman ay huling napanood sa teleseryeng “Love to Last” nung isang taon kung saan naman niya nakatambal si Ronnie Alonte.