Sikat na leather company, tinatarget si Heart

November 06, 2018
Heart Evangelista

Nakakatuwa naman ang tsika na biglang lumakas ang sales ng French fashion accessories na Gas Bijoux mula nang i-endorse ito ni Heart Evangelista.

Sobrang naging in-demand daw ang nasabing accesories sa mga Pinoy abroad at suki ng online shopping.

Nun’g huling biyahe pala ni Heart sa Paris, may pa-welcome sa kanya ang may-ari nito sa kanilang banner store sa France.

Bukod sa nasabing French fashion accessory, endorser na rin si Heart ng leather goods na Sequoia.

Actually, may iba pa raw sikat na leather company ang gusto sanang kunin si Heart pero may similar brand na raw na ini-endorse ang aktres na based sa Italy.

Anytime raw ay maglalabas na rin ito ng mga campaign material.

Ang nakakabilib kay Heart, kahit marami na siyang high-end brands na product endorsements, tumatanggap pa rin siya ng locally-made garments tulad na nga lang ng Kamiseta, isa sa latest endorsements niya.

At take note, si Heart mismo ang magde-design ng mga damit sa Kamiseta base na rin sa kanyang recent Instagram post.

“A full collection of the clothing line I designed with @kamisetaph featuring my art will be released very soon. Stay tuned!,” sabi ni Heart sa IG account.

Si Heart din ang face of Caritas Manila at sumasama siyang mag-ikot sa depressed areas with Father Anton para magturo sa ilang out-of-school youth.

Mas tutok si Heart sa endorsements abroad at ilang bubuksang business.

Pero sinusubukan daw ulit ng aktres at asawang si Sen. Chiz Escudero na magka-baby muli.

In fact, nu’ng long weekend, nagpahinga sila sa Balesin kasama ang kambal na anak ng senador.