Showbiz personalities na humabol sa last filing day

October 18, 2018

NAGTAPOS na last Wednesday, October 17, 2018 ang pagpa-file ng Certificate of Candidacy (COC) ng lahat ng mga kakanditato sa May 2019 mid-term elections sa magkakaibang posisyon at kasama na rito ang maraming personalidad na nagmumula sa showbiz.

Sa last day of filing ay humabol ang businessman-turned-actor na si Richard Yap na tatakbo sa pagka-kongresista ng Cebu North District under PDP-Laban.

Marami rin ang nagulat nang mag-file sa pagka-mayor ang No. 1 councilor ng 1st district ng Pasig na si Vico Sotto, anak ni Vic ‘Bossing’ Sotto at Coney Reyes na kasama pa sa pagpa-file ng COC ng anak.          

Muling kakandidato sa pagka-vice governor ng Camarines Sur ang Asia’s Sentimental Songstress at Actors Guild president  na si Imelda Papin. Sa CamSur din kakandidato sa pagka-konsehal ang komedyanteng si Long Mejia.

Kung ang incumbent councilor na si Gian Sotto ay tatakbo sa pagka-vice mayor ng Quezon City bilang ka-tandem ni incumbent Quezon City vice mayor na si Joy Belmonte na siyang tatakbo sa pagka-mayor ng nasabing siyudad, ang nakababatang kapatid ni Gian na si Ciara Sotto ay 3rd nominee naman ng partylist na Luntiang Pilipinas.

Partylist din ang tatakbuhan ng controversial na si Mocha Uson bilang 1st nominee ng Kasosyo.

Sinamahan naman ang actor na si Rommel Padilla ng kanyang anak na si Daniel Padilla at kapatid na si Robin Padilla sa pagpa-file nito para sa congressional seat representing the 1st district ng Nueva Ecija.

Kandidato sa pagka-vice mayor ng Parañaque si Jeremy Marquez, panganay na anak ng actor-comedian at dating vice-mayor at mayor ng Parañaque na si Joey Marquez.

First time councilors naman ang tatakbuhan nina Dominic Ochoa at Rochelle Barrameda ng isang distrito ng Parañaque.

Ano kaya ang batting average ng mga showbiz personality sa darating na mid-term elections?