Showbiz families who are into politics

October 14, 2018
Isko Moreno

POLITICS divide families, relatives and friends at ito’y paulit-ulit na nangyayari sa bansa natin. Most of them are not even loyal to the people, their respective party affiliations kundi sa kanilang mga sariling interest.

Ang dating “That’s Entertainment” talent at actor-turned politician na si Isko Moreno ay nag-resign na sa kanyang post bilang Undersecretary ng DSWD para kalabanin ang incumbent mayor ng Manila na si Mayor Joseph `Erap’ Estrada at maging ang dating alkalde ng siyudad na si Alfredo Lim na pareho niyang pinaglingkuran bilang vice mayor sa magkahiwalay na termino.

Nanawagan si Isko kina Mayor Erap (81) at dating Mayor Alfredo Lim (88) na mag-retiro na sa pulitika at ipaubaya na ang pamamahala sa siyudad sa mga batang mamumuno katulad niya.  Nagsilipatan na rin kay Isko ang ilang supporters nina Mayor Erap at dating Mayor Fred Lim.

Kapag hindi na-resolve ng dating mayor ng Makati at dating Vice-President na si Jojo Binay ang ‘away’ ng dalawa sa kanyang mga anak na sina dating Makati  Mayor Jun-Jun Binay at incumbent mayor na si Abigail Binay, maglalaban ang magkapatid sa pagka-mayor ng Makati at muli namang tatakbo sa pagka-senador si Sen. Nancy Binay.

Nahihirapan naman si Manila Mayor Erap Estrada na manimbang sa dalawa niyang anak na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at incumbent senator na si JV Ejercito na parehong tatakbo sa pagka-senador sa darating na 2019 mid-term elections.  Bukod kay Mayor Erap who would be seeking for his term, tatakbo rin bilang isang konsehal ng isang distrito ng Manila ang isa sa kanyang mga anak  (sa dating actress na si Laarni Enriquez) na si Jerika Ejercito-Aguilar.  Kakandidato naman sa pagka-mayor ng San Juan ang apo ni Mayor Erap na si Janella Ejercito, panganay na anak ni dating Sen. Jinggoy Estrada at asawa nitong si Precy Vitug-Ejercito habang wala pang balita kung muling kakandidato next year ang half-siblings na E.R. Ejercito at Gary Estrada sa magkahiwalay na posisyon. Pareho namang nagmula sa showbiz ang magkalaban sa pagka-vice mayor ng Quezon City na sina Roderick Paulate at Gian Sotto.

Ang nakatatandang kapatid ng megastar na si Sharon Cuneta na si Cesar `Chet’ Cuneta ay nakapag-file na rin ng kanyang candidacy sa pagka-mayor ng Pasay City na pinaglingkuran ng kanilang namayapang amang si dating Mayor Pablo Cuneta sa loob ng apat na dekada.  Si Chet ay tatakbo sa ilalim ng partido ni Pangulong Rodrigo `Digong’ Duterte habang nasa ibang partido at kritiko ng Pangulo ang mister ni Sharon na si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Maraming followers ni Davao Mayor Sara Duterte ang nalungkot na hindi ito tatakbo sa pagka-senador at sa halip ay mananatili itong mayor ng siyudad na pinaglingkuran din bilang alkalde ng kanyang ama, now President Rodrigo `Digong’ Duterte.  Kung tatakbo si Mayor Sarah sa pagka-senador ay tiyak ang panalo nito.  Tatakbo naman sa pagka-kongresista sa isang distrito ng Davao ang resigned vice-mayor ng Davao na si Paolo Duterte.

Ang mag-inang Lani Mercado at Jolo Revilla ay sa parehong posisyon pa rin ang tatakbuhan, bilang mayor ng Bacoor at bilang vice-governor ng Cavite, respectively.  Si Mayor Lani ang magpa-file in behalf of her detained husband na si dating Sen. Bong Revilla na muling tatakbo sa pagka-senador.  Muli ring tatakbo sa pagka-senador ang best friend ni Bong na si Jinggoy Estrada.

Ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez ay nag-file na rin ng kanilang kandidatura sa pagka-mayor ng Ormoc at kinatawan ng 4th district ng Leyte.

Bababa naman sa puwesto ang incumbent mayor ng Tacloban na si Mayor Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez to give way sa kanyang husband, ang dating mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez.  Muli namang tatakbo sa pagka-senador si Martin Romualdez at sa kongreso pa rin ang tuloy ng kanyang misis na si Yedda Marie Romualdez para sa 1st district of Leyte.  Ang governor ng Ilocos Norte na si Imee Marcos at kakandidato naman sa pagka-senador habang ongoing pa rin ang election protest ng kanyang nakababatang kapatid na si Bong Bong Marcos against VP Leni Robredo.

Mukhang may edge naman si Gian Sotto sa pagka-vice mayor ng Quezon City dahil bukod sa siya’y incumbent councilor ng ika-3rd district ng QC ay siya ang magiging running mate ng current vice-mayor ng siyudad na si Joy Belmote na siya namang tatakbo sa pagka-mayor.  Naging vice mayor din ng QC ang ama ni Gian na si Senate President Tito Sotto bago ito tumakbo sa pagka-senador habang si Joy Belmonte naman ay anak ng dati ring mayor ng QC at dating Speaker of the House na si Rep. Feliciano ‘Sonny’ Belmonte, Jr.

Ang dating Viva Hot Babes member na si Jayce Parker-Aguas ay tatakbo sa pagka-konsehal ng Angeles, Pampanga bilang kapalit ng kanyang husband na si Jerico Aguas (former husband of the late Isabel Granada) na tatakbo naman sa Partylist ng ABE-Kapampangan Party.

Babalikan sana ni Aiko Melendez ang muling pagtakbo sa pagka-konsehal ng ika-2nd district ng Quezon City pero ito’y muli niyang ipagpapaliban para suportahan ang kandidatura ng kanyang boyfriend, ang incumbent mayor ng Subic, Zambales na si Mayor Jay Khonghun na tabakbo naman sa pagka-vice governor ng Zambales.

Since sa October 17, 2018 pa ang huling filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa May 2019 mid-term elections, tiyak na marami pa ang hahabol.